Chapter 11

291 10 1
                                    

Chapter 11: Trouble ♤

===

Zion's POV

After a while nakabalik na ako dito sa upuan ko, naghihintay sa mga kasama kong magsibalik galing sa kung saan.

Si Trisha naman nakikita ko na papalapit sa table namin kaya sinundan ko lang sya ng tingin, wondering kung nasaan si Zhea. Magkasama sila kanina diba?

Naalala ko nanaman tuloy ung nangyari kanina, ung dinala ko si Zhea sa secret garden.

Nakatayo sa harap ng table si Trisha, ayaw pa nya umupo at mukhang may hinahanap dahil tingin sya ng tingin sa paligid.

Kinuha nya ung bag nya at saka dali daling tumakbo papasok ng bahay.

San kaya pupunta un?

Sakto namang pagalis ni Trisha ay dumating si Kyle, nakita nya ata na tumatakbo si Trisha kaya nagtanong sya sakin.

"San papunta si Trisha?"

"Malay ko." Matamlay kong sagot.

Tinignan nya ako at saka sya umupo sa upuan nya.

"Pia nakita mo ba ung dalawang malalanding babae kanina na un? Ung mga naki-table kila Cody?" Sabi nung etchoserang babae sa likod ko.

"Oo naman! Kayalandi!! Dapat tayo un ehh!! Pero shush na muna tayo ayan lang si Zion sa likod mo oh! Baka marinig tayo" sabi naman ng isa.

Narinig ko na tumayo sila at umalis.

Bakit kaya yung iba ganyan? Hindi naman sila inaano bigla nalang sila naghuhusga. Kaya ang sarap nila sapukin eh! Pano naman kaya kung sila ung sinabihan na malalandi? Pointless.

"Zion nasan sila Zhea at Trisha?" Tanong ni Cody habang umuupo. Hindi ko manlang sya napansin na nadito na pala. Pero hanapan ba ako ng nawawalang tao? Pangalawa na yan ah.

"Ewan ko. Bakit ba ako tinatanong nyo" iritado kong sagot.

"Eh ikaw lang naman ang hindi umaalis dito ehh" Pagmamaktol ni Cody.

"Pssh" sabi ko sabay tingin palayo.

Nakatingin ako sa may mga puno sa gilid ng bahay at may nakita akong kumintab.

Tinignan ko ng mabuti at namukhaan kong baril ung kumintab na un. Shit!

Trisha's POV

Iniwan ko muna si Zhea sa may table habang kinakausap ang nasa kabilang linya ng tawag.

Bigla bigla syang tumakbo papasok ng bahay at sinundan ko sya pero hindi ko na sya naabutan kaya bumalik ako sa table namin, hinanap at kinuha ung cellphone ko at saka dali daling pumasok ng bahay.

May kutob akong may mali.

Tinignan ko ung cellphone ko at nagulat ako sa nakita ko dahil santambak na messages ni daddy ang bumungad sakin.

Daddy : / Anak umalis ka na jan sa party! Tinext ako ng Tita Vennice mo, nanjan daw sila kasama ilan sa mga agents nya pumunta ka sa may harap ng bahay nila Zion may van jan pumasok ka bilisan mo! /

Alam din kaya ni Zhea ito? Kaya ba sya lumabas dahil dito? Anong nangyari?

Binilisan ko ang takbo at nung nakakarating ako sa harap ng van, pinagbuksan nila agad ako. Alam siguro nila na pupunta ako dito.

"Trisha??"

Nilingon ko ang nagsalita at nagulat din ako dahil nakasuot ng itim at may hawak na baril si Zhea.

A Game Called "Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon