Chapter 7: Nice to meet you, again ♤
===
Zion's POV
Kakarating lang sakin ng balita na nakaalis na ni Crystal ng Pilipinas at sa hindi ko malaman na dahilan, kanina pa ako paikot ikot dito sa labas ng aming bahay.
Hindi namin nahanap si Cody at gabi na pero wala parin kaming balita sa kanya kaya alalang alala kaming tatlo.
Sumama kaya sya?
"Alam mo kung magpapaikot ikot ka lang jan, walang mangyayari"
"Dad?"
"Oh bakit? mukhang nagulat ka ah!, nakakagulat ba akong makita dito sa bahay?" Sabi nya habang may ngiti na mukhang may gusto sakin iparating.
"Hindi naman po sa ayaw ko kayo makita pero" Dali dali ko syang pinuntahan at niyakap.
Niyakap nya ako pabalik. "Pero?"
"Nakauwi na kayo?? Namiss ko po kayo ng sobra! Kailan kayo nakabalik? Nasan si mama?" Masaya kong sabi habang bumibitaw sa yakap.
"Iho dahan dahan lang mga tanong" matawa-tawa nyang sabi. "Kakauwi lang namin kaninang hapon, Nasa salon ang mama mo, gusto daw muna magpahinga"
"Ahhh"
"Ay oo nga pala, nakita namin kanina si Crystal pero hindi nya ata kami nakita eh, may kayakapan kasi syang lalaki at kung hindi ako nagkakamali, mukhang si Cody ata ung kayakapan nya" sabi nya sabay upo sa upuan ko.
"Nakita nyo po sila? Buti naman! Akala ko magpapakatorpe nanaman ung bugok na un at hindi magpapakita. Dad! Teka! Bakit jan ka umupo!? Upuan ko yan!"
"Hahahahhahaha"
"Ito namang si dad, tanda tanda na isip bata pa, pffft" sabi ko sabay tingin palayo na parang bata na naagawan ng candy atsaka kami nagtawanan ni Dad.
Close kami ni Dad, actually sa buong pamilya namin, si Dad ang pinaka ka-close ko. Para ko lang kasi syang kapatid, sa sobrang kapogian nya di mo sya mapapagkamalan na may anak na. Pero syempre mas pogi ako sa kanya ;) Sya si Daddy Mark Chester Tsugumi. Isa syang half Japanese half Filipino, Lumaki sya dito sa Pilipinas kaya fluent na fluent sya magsalita ng Tagalog pero dahil pareho sila ni Mommy na businessman/businesswoman lagi silang nagaall around the world.
Buti pa nga sila, ang swerte nila sa trabaho nila, mag-asawa sila at President - Vice President sila kaya kung san pumunta si Dad ay nanduon din dapat si Mom pero dahil nga sobra nilang busy, madalang lang sila makabalik ng bahay at sigurado akong magpapadinner na naman sila dito mamaya dahil un ang nakagawian nilang gawin tuwing bumabalik sila dito.
"Ah, eh dad alam mo po ba kung nasan si Cody ngayon?" Tanong ko sakanya.
"Hindi ko alam anak, pero wag mo na syang hanapin, magpapadinner tayo dito mamaya imbitahin mo ung mga kaibigan mo" sabi nya habang nagpapakasarap sa upuan ko. Sabi ko sa inyo diba? Magpapadinner nanaman sila dito, magiging maingay nanaman bahay namin nato.
*Dinner*
"Hi"
"Welcome"

BINABASA MO ANG
A Game Called "Love"
RomansaIf life is a bitch then Love is the game. And you gotta learn how to play it, badass. ======== A Game Called "Love" (AGCL) By: Qwynzelle (Formerly ZeaViLily19) Date started: March 27, 2017 Date finished: April 1, 2021 Status: Completed Thank you for...