Chapter 36

3 0 0
                                    

Chapter 36 : Kidnap ♤

===

Jacob's POV

"Shit" Sipa ko sa pinto pasarado dahil hindi ko na alam kung alin uunahin ko.

May mga nagpupumilip pumasok dito sa control room kung nasan ako habang sinusubaybayan ko ang galaw ng mga kasama ko sa tulong ng cctv na nasa harapan ko ang screen.

"Lintek!" nawalan nanaman ako ng isang camera. Malamang ay napuruhan na ito ng nasa kalaban para mabulag nila ako kung nasan sila.

Pasalamat na lang at naipasuot ko na sa kanila yung modified lenses na gawa ko na may kasamang thermal xray.

Puta, paubos na ng paubos talaga ang mga cctv sa labas, kailangan ko na mismo lumabas at sasabog na 'tong pinto maya maya.

Masyado na pala kaming na-out number sa dami nila.

Sinilip ko ang relo kung nasan ang tracker ko sa mga kasama para sana sumunod sa kanila pero hindi nakatakas sa paningin ko yung pagblink at pagkawala ng isang ilaw sa medyo mataas na lugar base dito sa tracker ko.

Si Trisha!

="Trisha nasan ka?"= Sigaw ko sa walkie talkie.

="shit hindi na nagrerespond sakin si Trisha! I need help here!"= Zhea

="Huh bakit? nawawala si Trisha?"= -Yhannie

="ANO!!??"= -Zhea

Hindi ko na sila pinakinggan at ipinokus ko ang sarili ko sa paghahanap kay Trisha.

Kung nawala ang tracker nya sa relo, ibig sabihin pinatay nya iyon. Imposibleng mawala yun bigla ng hindi pinapatay. Pero bakit naman nya gagawin yun?

Hindi naman alam ng mga gungong na 'to kung nasaang parte nga ba ng katawan namin ang tracker kaya imposibleng matanggal nila agad 'to kay Trisha--

Pero di kaya--?

Dali dali akong pumindot ng mga codes na maaring magpenetrate sa mga signal barrier na sigurado akong hawak nila malapit kay Trisha.

Malapit oo dahil paunti unting bumabalik ang signal ni Trisha sa relo ko pero saglit lang yon.

Tama lang para mahulaan ko kung nasan sya at kung ano ang ginagamit nila para mawala ang signal nya mapa-tracker o radyo pa.

Radyo... mapapansin ako ng mga gungong na 'to!

shit!!! Kailangan ko iwan mga gamit ko kung sakaling susundan ko sila.

Kinidnap nila si Trisha. Yan ang kutob ko. At kung sakaling tama man ako, alam ko din kung bakit.

="Kayo na ang bahala jan at kailangan ko umalis para sundan si Trisha kung san man nila dadalhin yun."=

="Sasama ako!!"=

="Hindi na Zhea at kulang na nga tayo sa tao, Yhannie take command"=

="Roger!"=

="Stan pahiram ng motor "=

="Wag yung sakin kunin mo!!"=

="tss"=

Dali dali kong kinuha yung motor na nasa kaliwa at saka ko iyon Pinaharurot. Hindi ko alam kung nasan na ba sila pero base sa radar ko, may malaking area kung saan distorted ang signal. Yun ang sinusundan ko dahil gumagalaw din ito tulad ko.

Wala akong plano. Pero ililigtas ko si Trisha! Para kay Abby...

Pag naabutan ko sila lintek nang aabutin nila sakin lalo pa kung may malay si Trisha.

A Game Called "Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon