Chapter 26

37 2 0
                                    

Chapter 26: Amusement ♤

===

Zhea's POV

Whooo! Ang sayaaa!!!

"Oi!" Excited na batok ni Trisha kay Jacob pagkatapos namin maglaro kaya napatawa ako.

Etong dalawa na'to kasi eh.. ang kj, ayaw daw mabasa pero naka swimsuit?

"Balik na daw tayo.. gusto mo maiwan jan? Jan ka na lang matulog, hindi ka namin bubuhatin bala ka jan!" Sunod sunod na sabi pa ni Trisha sa kanya at saka kinuha yung mga gamit nya sa upuan nya kaya sumunod na din ako at tsaka nauna na sya sa paglalakad habang tumatawa parin.

"Hahahha bye Jacob!" Pat ni ate Yhannie sa likod nya.

"Tara na" aya ko sa kanya kaya tumayo na din sya.

Nagsibalik na kami sa kanya kanya naming kwarto.. at pagbalik ko.

"Zhea" tawag sakin ni Trisha sabay pakita nung laptop nya.

Napatingin din ako kay ate Yhannie na dali daling binuksan yung laptop nya at nagsearch at napasinghap kami sa gulat sa nakita namin.

Napatingin kami sa isa't isa-- at ngumiti.

Lam na dis.

Sabi dun sa article, etong lugar daw na'to ay nasa tabi mismo ng tinatawag nilang 'haunted hill' dahil sa may bundok daw nayun palaging may napapahamak.

May bali balita na may mga nakatirang kung ano anong nakakatakot na bagay dun pero nung chineck namin yung mga information galing mismo sa kapwa namin mga spies, ang mga nakatira daw dun ay kadalasang mga rebelde at savage galing sa mas mataas na bundok sa tabi nito.

Akala lang nilang mga multo dahil sa mga suot nito at dahil nga halos walang nakakabalik na nagpupunta dun.

"Sooooo, action?" Ngisi ngising taas baba ng kilay samin ni ate Yhannie na agad naman namin kinatuwa.

"Ngayon na?" Takang tanong ko sa kanila kaya napaisip naman sila.

"Ayaw mo ba?" Kantyaw sakin ni Ate Yhannie na dali dali ko namang tinanggihan.

"Matagal na nilang target yang haunted hill na yan sabi dito sa message ng ilang mga taga-dito. Dati nga daw may pafesti-festival pa daw silang nalalaman dun sa hill na yun eh hanggang sa maging haunted. Nakakatawa lang kasi meron din silang nagawang theory kung paano iyon naging haunted." Pakita samin ni Trisha ng laptop nya at iniwan nya kaming dalawa muna dun.

Pagkatapos namin yung basahin, bumalik na si Trisha sa room kasama si Jacob.

Dumiretso sya dun sa pinakamamahal nyang sniper na nasa loob ng isang bagaheng sobrang bigat na puro gamit agent ang laman.

Seryoso, hindi kaya nagtaka yung mga lalaki dun kung bakit ang bigat ng bagahe nya? At nakalusot pa sa airport ha, akalain nyo yun? Ang lakas talaga ng connections nila mama.

"Wazzup" saludo samin ni Jacob na dumiretso sa bagahe ni Trisha at kinuha yung mga gamit nya dun.

Pinagkukuha na din namin nila ate Yhannie yung gamit namin dun.

Saglit kaming nagusap usap about dun sa haunted hill at napagplanuhan namin itong i-explore bukas ng gabi.

Kaming apat lang magsasamasama bukas dahil nga trip lang namin 'to at walang ibang nakakaalam ng gagawin namin.

Namiss ko na din magraid at magamit itong baril ko.

Sa kalagitnaan ng paguusap, may narinig kaming kumaluskos sa pinto kaya in an instant reaction, nagtago si Jacob sa ilalim ng kama kasama yung sniper at sinipa ni Trisha yung bagahe sa ilalim din ng kama, kami naman ni ate Yhannie napahagis ng mga damit na pang-agent sa ilalim ng kumot at nagkunyari kaming tatlong nagkukwentuhan.

A Game Called "Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon