Chapter 6

325 11 3
                                    

Chapter 6: At last ♤

===

Cody's POV

Nandito ako ngayon sa classroom at simula pa kaninang umagang gana.

Hindi ko alam kung bakit pero nakakainis na talaga.

Hindi ko alam kung ano gagawin ko!

Pupuntahan ko ba sya?

Sasamahan ko ba sya?

Pipilitin ko ba syang umalis?

O hahayaan ko na lang sya sa pinili nyang gawin?

Napasabunot ako sa aking sarili.

Tangina papaalis na sya tas ako nagiisip pa din dito!?

Hindi naman ako dapat ganito eh! Ano ba nangyayari sakin?

Kanina ko pa napapansin na tumitingin sakin si Zion at mukhang nagaalala na sya dahil alam nya kung anong nangyayari.

Pipilitin nya akong pumunta malamang.

Kakatapos lang ng klase at dumiretso agad ako sa garden para makapag-isip ng mabuti at para maayos ko narin itong problema ko.

Ngayon ang flight ni Crystal at hindi ko alam kung kaya ko ba sya puntahan sa airport para magpaalam dahil napagdesisyonan ko na ding hayaan na lang sya.

Wala akong laban sa pamilya nya.

Pero kung kaya ko lang talaga--

"Cody!"

Tinignan ko tumawag sakin at mukhang masaya sya ngayon. Kabaliktaran ko na malapit nang magmukmok.

"Bro!"

"Bakit?" Matamlay kong sabi kay Cyrus.

Gulat syang tumingin sakin at dumating na yung dalawang kaibigan pa namin.

"Wow, hindi hyper ngayon si Cody.. anyare?" Nagtataka paring sabi ni Cyrus.

"Diba aalis si Crystal? Ngayon flight nya." -Zion.

"Ha!!?? Tara puntahan natin!" Biglang tayo ni Kyle at hila sakin pero hindi ako nagpahila.

"Huy!" Hampas nya sa braso ko.

"Mauna na kayo" wala paring gana kong sabi.

"Torpe ang hayup" naiinis na sabi ni Cyrus sakin habang tumatayo.

"Tara na" subok ni Zion sa paghila sakin pero walang nangyari.

"Basta paki sabi na lang sa kanya na--...... mahal ko sya"

"Bahala ka jan" pisti nangiwan na pala mga gago... hindi nila narinig yung pinapasabi ko.

"Putang--"

"H-hi" napalingon ako dun sa babaeng biglang sumulpot mula sa kung saan.

Natakot ako susmaryosep!

Hindi ko kasi nakasanayan yung magmura sa harap ng isang babae.

Tinignan ko sya at binigyan ng 'bakit' look.

"San sila pupunta" sabi nya habang tinuturo yung likod ng mga kaibigan kong walang kwenta.

"Bakit? Sasama ka?" Tingin ko sa kanya habang inaalala kung sino sya.

Nagkita na kami eh...

Ahh si ano!!

"Joke lang Zhea ikaw naman seryoso agad! Hahaha!!"

"Tch.. eh ano nga kasi... san sila pupunta? Diba ikaw si Cody?"

A Game Called "Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon