Chapter 30

23 1 0
                                    

Chapter 30: Mess ♤

===

Zhea's POV

This is a mess.

Shit these Zombies!

Ugh! I'm so... urghh!

I'm annoyed.

Pano ba naman kasi yung buset na scientist na nanay ng dalawang bata na'to ay bigla nalang pinilit yung mga anak nyang uminom ng kung anong potion na kulay red at saka din sya uminom habang hinahabol kami ng baril nung tatay nung mga bata.

Nasa rooftop yung tatay na hindi na naging si green goblin dahil nasira yung costume nya pero he still controls the whole house damn it from the mini third floor that he landed when his hoverboard's gone broken. Sila Jacob, Kuya Michel at Tito Leo na daw ang bahala sa kanya while buhat buhat ko naman ngayon yung babaeng naglasing, yung nasapak ni ate Yhannie kanina kasi napagkamalang nanay ng mga kanong bata na buhat buhat naman nina ate Yhannie at Kuya Kuen.

Si Kuya Mike ang nagbuhat dun sa baliw na scientist na yun na may bumubula bula pang bunganga habang papalabas na kami dahil napuno na din ng Zombies sa loob.

Si Trisha at si Kuya Dan ang nagpoprotekta samin ngayon pero pinaabot nila sa kanila yung dala namin ni ate Yhannie para kami na daw ang bahalang magdefense kase long distance ang forte ni Trisha at hindi ko na din kayang buhatin yong babae na yon.

Nakalabas na kami at nakita ko yung mga plants na kusa nalang sumusulpot mula sa lupa at makikipag-away sa mga zombies.

Tangina na yan kelan ba mauubos 'tong mga zombies na'to!? At san ba kasi sila nanggagaling!??

"Zhea!" Tumakbo kami kung saan nanggagaling yung mga zombies.

Wala na. Wala na kaming pake kahit madami sila.

Naubos na din ang pasensya ko kaya pasensya sila.

I'm in my rage mode right now and I'm gonna effin destroy these zombies once and for all.

"Maghiwahiwalay tayo!" Command ni Kuya Kuen kaya naghihiwahiwalay kami, nakalagpas na kami dun sa nasirang electric fences kaya may mga puno na ulit.

Tumalon sila Trisha, ate Yhannie at Kuya Kuen pataas samantalang naiwan naman kami ni Kuya Mike dito sa baba na pumunta sa left side kaya sa right side ako dumiretso.

Sinusundan ko lang kung saan nanggagaling yung mga Zombies na nakakasalubong ko sa daan na agad ko ding pinapatay.

Wala pang ilang minuto, nakahanap ako ng parang cave pababa at dun nanggagaling yung mga Zombies kaya without a second thought, pinasok ko yun.

And as expected, there were so many of them here.

And I need to defeat them all.

I'm losing my stamina.

But I need to finish this!

Puro sugat na ang buong katawan ko at puro pasa yung mga braso at binti ko pero ipinangwalang bahala ko lang iyon at patuloy parin sa pakikipaglaban dito sa mga Zombies na'to na sa kasamaang palad, ay bakal ang laman.

Oo nga pala. Robots sila.

Pero yung galit ko kanina, napalitan ng pageenjoy.

Naputol ko yung braso ng isang zombie at inihampas nya sakin yung putol nyang braso kaya umiwas ako pero nadaplisan parin yung kanang pisngi ko.

May tumulong dugo.

Teka, oo nga pala may tatlo pa akong first aid bracelet!

May medyo malalim na hiwa din ako sa hita at dun ko ginamit ngayon yung isang bracelet kaya isa na lang yung natira.

A Game Called "Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon