Chapter 20

206 11 2
                                    

Chapter 20: Task ♤

===
Zion's POV

"Class please stand up and proceed to the music room"

Pagkasabing pagkasabi nun ni ma'am, nagsitayuan na lahat ng mga kaklase ko kaya tumayo na din ako.

"Zion. Cyrus." Pag-gitna ni Cody saaming dalawa ni Cyrus na katabi ko at naglakad na palabas.

Wala nang nagaksaya ng oras para pumila, basta nalang kami sumunod kay ma'am ng kanya kanya.

Pagpasok namin, pinaupo kami ni Ma'am sa mga seats, dito pala kami pumunta sa AVR dahil nandito yung mga instruments at wala sa music room. "Okay class, please seat down. I already discussed the basics of the instruments right? Mayroon ba sa inyong hindi marunong gumamit ng kahit na anong instruments dito?"

Walang sumagot.

"None? Okay very good, since marurunong naman na kayo gumamit ng mga ito.."  turo nya sa mga instruments na nakakalat sa sahig na mukhang may gumamit kanina.

"Siguro I can already give you a performance task about it. Do you guys agree with me?"

"Yes"

"Okay sige! Here's what we're going to do. I want you all to divide yourselves into groups consisting of 5 members each. Do you want me to choose your members or do you want to choose your own members?" Dahil excited sila at mukhang nagkukwentuhan na, walang nakarinig at sumagot kay ma'am.

"I will choose then" sarcastic na ngiti nya samin kaya nagulat at kinabahan yung ibang nakarinig at todo iling pa.

"Okay, I'm going to give you time to pick your members." Sabi ni ma'am sabay upo sa upuan nya habang nakatingin sa kanyang relo.

"Timer starts... now"

"Hey bros! Grupo tayo diba? The yakult band" tayo ni Cody at upo sa upuang nasa likuran ko.

Ginaya sya ni Kyle at umupo naman sya sa katabing upuan ni Cody na sa likuran naman ni Cyrus na katabi ko.

"Kulang tayo ng isa." Cyrus.

"Oo nga noh? Pwede ba yun? Magsali pa tayo ng isa." Kyle.

"Ako pwede!!" Sulpot ni Abby galing sa kawalan kaya nagulat kaming apat.

Napatayo si Kyle at humarang sa harap ni Abby at pinipilit kami na huwag pumayag kaya napatawa nalang kami.

"Sorry Abby, magmumukha kasi kaming back-up mo kapag sumali ka, dun ka nalang sumali kila Crystal, lima lang naman kayong girls dito sa klase natin diba?" Pagkukumbinsi ko sa kanya pero nagpumilit sya.

"Ok lang bagay naman sakin magstand-out. Ayaw nyo nun may lead vocalist kayong babae?"

"Ewww! Ikaw magiistand-out? Asa ka. Kami lang papansinin ng fans" dila sa kanya ni Kyle na ikinuot ng kanyang noo.

"And kumpleto na kasi kami kaya... bye" napatingin kaming apat kay Cyrus dahil sa sinabi nya.

Nakatingin sya kila Zhea and... teka don't tell me...... si Zhea?

"Kumpleto na tayo? Sino yung isa? Si Abby?" Si Cody na clueless.

Lumakad papunta si Cyrus kila Zhea kaya sumunod kami sa kanya.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang lumalapit sa kanila at pilit na iniiwas ang tingin para hindi makita si Zhea.

Hindi ko pa sya pwedeng makita, kailangan ko ayusin 'tong puso ko.

Hindi ko sinasadyang napatingin sa kanila at napahakbang pa papalapit ng impit at pagulat na sumigaw si Zhea.

Hinawakan sya ni Cyrus sa braso.

A Game Called "Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon