Chapter 19

186 6 0
                                    

Chapter 19: Pagsuko ♤

===
Zhea's POV

Wow! Grabe! Ang ganda ng kinwento sakin ni ate Yhannie!

Akalain nyo yun? Ung mga childhood freinds nya noon, nakita nya ulit ngayon at malupit pa jan, magkaklase ulit sila!

Tapos first love pa ni ate Yhannie si Zion!! Yieeeeeeeee!!

Gumugulong gulong ako dito sa kama ko habang pasimpleng sumisigaw sa kilig.

Ilang saglit pa, napaisip akong bigla kaya huminto ako sa pagiikot ikot sa kama at tsaka umupo habang yakap yakap ang unan.

Pano na ako nyan?

Play nyo ung media for better reading experience : "Symphony" Clean Bandit ft. Zara Larsson

Kung si Zion- na alam ko namang naging crush at first sight ko -ay ung first love pala ni ate Yhannie, pano na ako?

Pano kung maging sila?

Naalala ko tuloy bigla yung kinukwento sakin ni ate Yhannie na prince charming nya simula pa nung bata pa kami.

Ang saya saya nya nun lagi.

Kahit nga nagkakaroon sya ng ibang crush kinukwento parin nya sakin yung first crush nya na yun eh. Hinihintay parin nya.

At ngayong nahanap na nya... pano na yan?

Ang saklap lang dahil kung sino pa yung first crush nya, sya din yubg nagustuhan ko.

"Haaaaay." Buntong hininga ko.

Humiga ako sa kama habang nakatitig sa ceiling.

Nahagip pa ng peripheral view ko ung veranda kaya tumayo at nagpasyang tumambay nalang muna dun habang pinagmamasdan ang kadiliman at ang buwan na syang nagsisilbing ilaw sa madilim na gabing ito.

Pinatong ko ang ulo ko sa mga kamay ko na nakapatong sa railings ng veranda habang nakapout at malalim ang iniisip.

"Pano na ako?" Bahinang bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan kung gano kaganda ang liwanag ng buwan.

Maya maya pa, napakurap ako ng madaming beses dahil bumigat ang talukip ng mata ko.

M-may tumulong luha.

Agad ko iyong pinunasan at pilit na ngumiti habang sinasabi sa sarili na 'wag! Wag kang malungkot! Ngumiti ka! Dapat magsaya ka ngayon dahil magkakasama na ang dalawang tao na minamahal mo. Magiging masaya na sila kaya dapat maging masaya ka para sa kanila. W-wag kang gigitna. Tigilan mo na ang kahibangan mo Zhea. Hindi totoo yan. Hindi totoo yang nararamdaman mo para sa kanya. Gumising ka.' Sabay mahinang sampal ko sa sarili para magising ako.

Ilang segundo akong ngumiti sa kawalan dahil napagpasyahan ko na ngang maging masaya para sa kanila pero...

Bakit ganito?

Mas dumami pa yung luha na tumutulo sa mata ko ngayon at hindi na ako nagaksaya pang kumilos para punasan iyon, sa halip, napaupo na lang ako sa sahig habang nakatulala.

Hinawakan ko ang aking kaliwang dibdib.

Ang sakit.

Bakit?

Bakit masakit?

Hindi dapat ako nasasaktan ng ganito pero bakit?

Bakit hindi ko kaya?

Bakit hindi ko kayang kontrolin ang aking puso?

"Bakit?" Napahagulgol na ako sa pagiyak.

Ibinaon ko na din sa tuhod ko ang aking mukha.

A Game Called "Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon