Chapter 14

275 10 5
                                    

Chapter 14 : Mugi ♤

===

Zion's POV

May bagong sectioning na nakalagay sa bulletin board pero dahil tinatamad ako, nagtawag nalang ako ng pwedeng magtingin at magdala ng balita para sakin.

Nasabi na rin ni Allen na dito daw kami sa section B.

Kasalukuyan akong nakasandal sa upuan ko habang nakataas ang mga paa.

Unti unting nagdadatingan ung iba pa naming katropa.

Karamihan samin ngayon dito puro lalaki.

Teka wala pa nga akong nakikitang babae.

Pinaghiwalay na ang mga babae at lalaki?

"Zion" tawag sakin nung inutusan ko sabay pakita ng phone sakin. Pinicturan nya pala yung listahan.

Aba ayos ah? high-tech solution. Sabagay kahit sino man puro na gadgets ngayon.

Pinakita nya sakin ung picture ng mga magiging kaklase namin at napansin ko lang na halos lima lang ata ung mga pangalan ng babae na nakalista dito.

Hindi ako sure pero para sakin, lima lang ung may pangbabaeng pangalan dito kasama sila Zhea at Trisha, yung Yhannie, Abygail, at Crystal pa.

Wait, what?? Crystal? Tinignan ko ung full name nung pangalan at hindi nga ako nagkakamali, Crystal Tsumugi? Ung pinsan ko!

Wala manlang akong kabalibalita na dito na sya magaaral, pero dito nga ba sya magaaral? Wala namang ibang babae na nagngangalang Crystal Tsugumi diba?

Kailangan ko muna ito siguraduhin.

"Oy patingin!" Sigaw ni Cody sabay sampa sa likod ko at pagtingin sa cellphone. Napahinto sya sa paggalaw at napoker face ung expression ng mukha nya, parang natuklasan na din nya ang pagkakalagay ng panggalan ni Crystal sa section namin.

Tumayo si Cody at saka sya umupo sa upuan nya habang nakatulala sa kung saan. Hindi ko na nga muna sya papakialaman. Kung sabagay, dapat matuwa sya dahil magiging kaklase namin si Crystal diba? Hay, bahala na nga.

Binaba ko ang ulo ko pero ilang saglit lang ay bumukas nanaman ung pinto kaya napatingin ako sa nagbukas. Nagkasalubong ung mga mata namin pero nagiwas din naman. Nakramdam tuloy ako ng biglang pagkahiya. At saka ung puso ko, na-aabnormal nanaman.

Pinilit kong isuksok ung mukha ko sa desk para itago ung hiya sa mukha ko. Nakakahiya naman.

"Uy may chiks na pumasok!"

"Akala ko ba puro lalaki lang tayo dito?"

"Hindi ah! Hindi mo ba binasa ung nakasulat sa section natin? Puro lalaki nga tayo pero may mga limang babae din naman hano! Abnormal ka talaga! Ung pangalan mo lang hinanp mo hano?"

"Hindi naman! Grabe ka!"

"Ehem"

Kung hindi lang tumikhim si Zhea ay hindi sila matatahimik.

"Zhea san tayo uupo?"

"Girls dun nalang kayo sa may harap! Walang lalaki na uupo jan! Aayusin naman nung teacher ung seats natin eh kaya jan nalang muna kayo!" Sigaw ng kung sino.

"Ahh okay sige!" Sigaw pabalik ni Trisha.

Nagsidatingan na rin ung iba pang mga lalaki. Mayroon pa nga akong lalaking nakitang lumapit at kumaway kila Zhea, lumapit sya ng upuan at nakipagkwentuhan. Close sila?

Okay so ngayon tatlong minuto nalang bago magstart ang klase at sa katamaran kong bumangon ay napaidlip ako dito ng saglit.

Habang naka head-down ako na parang mabait na bata, nagtaka ako kase bigla silang napatahimik.

A Game Called "Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon