Chapter 18

14 0 0
                                    

Chapter 18: Reunion ♤

===

Zion's POV

"Mugi!!??"

"Zion!??!" Sabay naming sabi.

"Oh, sorry I mean Yhannie" Dugtong ko pa.

Shit! Bakit ko sya tinawag na Mugi!?

"That's okay" sabi nya with a smile.

"Uhmm. Narinig kita kaninang sumigaw, is everything all right?" Tanong ko.

"Well, yeah. Nabutas LANG naman ung APAT na gulong ng car ko pero tatawagan ko na si Zhea so, it's fine now"

Pano nabutas lahat ng gulong nya?

Ang gagago talaga ng mga squatter dito.

Nilabas nya ung cellphone para tumawag kay Zhea preo nataranta ako, pakiramdam ko kasi kailangan ko sya kausapin kaya bahala na si batman.

"Woah wait!" Hila sa cellphone nya na nasa tenga na nya bago ko pinatay ung nagriring palang na tawag.

"I can give you a ride home, if you want. Or maybe let's have some coffee first. Let's talk" Sabi ko sakanya kaya awkward syang ngumiti sakin.

I know. I'm being weird. But just this once. I really need answers to my questions.

"Okay? Sure, sige why not?" sabi nya sabay sarado ng pintuan ng kotse nya at lumapit sa akin.

Shit.

Kinakabahan na ako sa malalaman ko.

Pano kung sya talaga si Mugi at hindi si Zhea?

Ano nang mangyayari samin ngayon?

Yhannie's POV

Dito ako dinala ni Zion sa starbucks sa malapit sa MOA at dito kami ngayon umorder ng kitkat frappè na nasa secret menu ng Starbucks.

Bumalik si Zion at umupo sa harap ko, ano kaya paguusapan namin?

Hindi naman kami close...

Baka gusto nya makipagclose?

"Hey, so umm, Hi! First time kong magpapakilala sa'yo personally. I'm Zion your classmate which you probably know, and.... hmm aask ko lang sana if.. nagkita na ba tayo somewhere before? Hindi sa klase pero maybe in South Korea? Or some other place?"

Teka...... Korea?

Huh?

Ngayong sinabi nya yun, biglang nagflashback sa utak ko yung mga nangyari sa Korea noon nung bata pa kami.

~Flashback~

"Noona!! Noona!! Wait for mee!!" Sigaw ng nakababata kong kapatid na si Cassy.

Ang little sister ko na 3 years old palang.

Ako naman malapit na mag-5, papasok na din sa kinder.

Naglalaro kami dito sa park ng habulan, natabunan na nga ng snow ung simento eh kaya medyo mahirap na maglakad.

Pero okay lang. Masaya parin maglaro kahit sobrang lamig dahil winter.

Naupo ako saglit sa may swing habang tinitignan si Cassy na naglalakad unti unti papalapit sakin. Ang layo pa nya, nahihirapan na siguro si little baby sister ko.

May kumalabit sakin galing sa likod ko.

"Hi" kaway sakin ng isang stanger na lalaking kasing liit ko lang kaya hindi ko sya pinansin, hindi parin sya umalis sa pakakatayo sa likod ko.

A Game Called "Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon