Chapter 32

17 1 0
                                    

Chapter 32: Jellyfish ♤

===

Trisha's POV

"Hello" bati ko sa kanilang lahat pagkadating ko sa table nila and for some reason, nasamid sila.

"Ok lang kayo?" Himas ko sa likod si ate Yhannie.

Mukhang tapos na sila kumain, tamang tama nakapag-breakfast na din ako.

Umupo ako sa bakanteng upuan sa pagitan nila Zhea at Jacob.

Inakbayan ko silang pareho at saka excited na nagtanong sa kanila kung san kami gagala ngayon.

Yung iba, biglang natahimik at nagisip pero napansin ko si Crystal na parang may gustong sabihin kaya natuwa ako. "Okay mukhang may plano para satin si Crystal ngayon!" Tayo ko at punta sa likod ni Crystal at minasahe iyon.

Awkward na tumingin at ngumiti sakin si Crystal samantalang nagpaka-bitch mode nanaman si Abby habang tuwang tuwa at amuse na amuse naman si Cody kay Crystal.

"San mo gustong pumunta?" Masayang tanong ko kay Crystal kaya ngumiti sya at halatang kumislap ang mga mata sabay sabing "sa ——"

"—Aquarium" matamlay kong sabi habang kinakaladkad ako ni Jacob para maglakad dahil nawalan na ako nang gana mabuhay.

Aquarium.. Aquarium!??

Bakit sa Aquarium!? Ano kami bata? Bata!?

At bakit kayo pumayag!!? Tingin ko nang masama kay Jacob at tsaka umirap.

Tinulak naman nya ako kaya napalakad ako.

Last day na namin 'to dito tapos sa aquarium pumunta?

Hindi worth it!

"Woaaah!!" Masiglang sabi ni Crystal na kinatuwa naman ni Cody.

Alam nyo yun? Pina-pacify nya yung girlfriend nya. Eh sila lang naman yung nageenjoy!

Teka, sila na ba? As in official na ganun?

Pero who cares!? Ugh.

Nangunguna sila Crystal, Cody at Zhea na sobrang nag-eenjoy sa mga isda.

Hindi ko naman sila masisisi, lalo na si Zhea kasi first time nya siguro makapunta dito, kasama yung mga kaibigan nya.

Hindi sya siguro nakaksama sa mga field trips. Ay oo nga pala, home schooled sya.

Ako yung nakasunod sa kanila, mga 1 meter away. Pinagtutulakan kasi ako ni Jacob dahil tinatamad na talaga ako lumakad.

Tuwang tuwa naman yung mokong na magtulak sakin. Kahit hindi halata dahil OA sya, may takip yung mukha. (Ay oo nga pala puro sugat din sya.)

Nakasunod samin sila Ate Yhie, Abby, Kyle, Cyrus at Zion na akala mo namamasyal lang sa mall kung makapaglakad.

Hindi ko din sila naririnig magusap.

Huminto sila Zhea sa isang itim na pinto. May kasama silang tour guide.

Tinignan ko yung taas, Jellyfish?

Ah so papasok kami sa puro Jellyfish? Edi okey. As if naman hindi ko pa yun nakita dati. Mga bata talaga.

"Trisha habulin mo ko bleeh!"

Bigla ako napahawak sa ulo ko pagpasok dun sa loob. Nakakhilo yung amoy.

May nakita din akong dalawang batang babaeng naghahabulan pero pagkalagpas nila sa likod ng isang tank, nawala sila.

A Game Called "Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon