Chapter 27

41 2 0
                                    

Chapter 27: Exploration ♤

===

Trisha's POV

"Tae yoko naaaaa!!!" Malakas kong sigaw habang kumakaripas ng takbo palayo dun sa mga robot na zombies na yun.

Rinig ko naman ang malakas at tuwang tuwa pang tawa nina Zhea at ate Yhannie sa tabi ko na kala mo mga ninja sa bilis ng pagtakbo.

Nageenjoy pa sila sa lagay na yun eh nasa bingit na kami halos ng kamatayan sa dami ng mga zombies na humahabol samin ngayon, mga walang pake talaga sa buhay 'tong mga 'to!

Napatili ako sa gulat ng may malakas na humila sa braso ko.

Nauntog pa tuloy ako kay tito Leo "may electric fence dun sa dulo, dito ka lang" sabi niya sabay sipa dun sa isang brick sa wall na nahulog at ginawang suutan ng rifle gun sabay paputok ng sunod sunod sa mga zombies.

Habang pinapanood ko si tito Leong bumaril, inaya ako ni ni Kuya Mike na umakyat daw sa second floor dahil parehas kaming sniper kaya sumama agad ako.

Pagakyat namin hinanda ko na din yung sniper ko, ayaw kong magmukhang tanga at walang kwenta dito habang sila bumabaril ng mga cyber-zombies na yun.

Grabe, parang kanina lang nagtetemple run kami tapos ngayon counter strike hahaha, yung nga lang zombie mode.

Tinatarget ko yung mga nagtatago na cyber-zombies sa likod ng mga puno, napansin ko naman na umakyat din si Jacob sa second floor ng sira-sirang bahay na'to. "San nanggagaling yung mga yan?" Malakas kong sigaw sa kanya kahit katabi ko lang sya kase maingay yung baril namin at baka di nya marinig.

"Malay!" Malakas na sigaw nya din sakin kaya inirapan ko nalang sya ng hindi tumitingin pero napansin ko na may hawak pala syang isang bazooka sa peripheral view ko.

Pinasabog nya yun dun sa mga nagkukumpulan na cyber-zombies sa likod ng isang ruin ng parang c.r. at sabay sabay naman silang namatay.

Gosh anong nangyari sa haunted hill raid namin!? Ba't naging zombies na robot?

*FLASHBACK*

Alas-syete na halos ng hapon at madilim na nung sumakay kami sa roller-coaster.

"Whoooo!!!" Malakas na sigaw ni Zhea na tinalo naman ng "IBABA NYO NA AKO DITO!!"-ng sigaw ni ate Yhannie kaya tinawanan ko sya ng malakas.

Hinuli kasi naming sakyan yung extreme roller coaster na yun para daw masaya, marami pa muna kaming inunang sakyan at sobra naman talaga kaming na enjoy.

Sobra talaga syang natakot dun sa extreme roller coaster na yun. Buti na lang hindi sya hiniwalayan ng kaluluwa nya hahahahaha.

Yun nga lang dahil gabi na, nag-aya na ako umuwi. (May raid kase kame mamaya, diskarte lang dis hihihii)

"Grabe sobrang nakakapagod! Tara na balik na tayo dun, next time nalang ulit yung ibang rides" sabi ko sa kanila sabay wink kila Zhea kaya sinundan din nila ako.

"Hahaha sayang naman pero pagod na din ako eh, balik nalang tayo ulit bukas?" Sabi naman ni Zhea sabay taas baba ng kilay kay ate Yhannie kaya nagsalita na din sya.

Humikab muna si ate Yhannie bago sya nagsabing "Tara?"

Kaya naman nagpatiuna na si Jacob sa paglalakad papuntang exit.

"Pagod na kayo? Ehh ang aga-aga pa oh! Kakalubog lang ng araw! Ayaw nyo yun mas masarap sumakay sa rides kapag gabi na kasi magaganda yung mga ilaw!" Sigaw ni Cody na iniwan namin dun dahil sumunod na yung iba samin papalabas dahil sila daw ay pagod na din.

A Game Called "Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon