Chapter 10

380 13 1
                                    

Chapter 10: Party ♤

===

Zion's POV

Time Check, its already 7:40 in the afternoon at madami nang tao ang nagsisidatingan dito sa bahay namin.

Naunang dumating ang mga kaibigan nila mom and dad.

It's actually an advance celebration to my dad's birthday because next week pa talaga ang birthday ni dad pero dahil aalis nanaman sila ni mommy for business matters sa isang araw, ngayon nalang daw ang pinakamaluwag nilang date para sa birthday ni dad.

Nandito na sila Kyle and Cyrus sa tabi ko. Si Cody nalang ang hinihintay namin dito pero may hinihintay din ata sya atsaka mamayang 8 panaman yung start. Actually sila Cody, Kyle and Cyrus lang naman talaga ang close friends ko.

Siguro dahil simula nung bata pa kami magkakasama na kami, magkakaibigan din mga magulang namin kaya nagpunta kami sa Korea nung bata kami kasama ang mga pamilya namin at dun nagaral ng preschool,(P.S. hindi namin kasama si Kyle dun kase busy parents nya sa arranged marriage nila, malas noh?) May nakilala pa nga kami dun na tatlong babae. Isa dun si Mugi, sya ung pinakakaclose samin noon, at kung hindi nyo pa nakakalimutan sya ung pinaguusapan namin nung sinundan namin si Zhea (sya ung first love ko). Ung isa si Crystal ung pinsan ko at ung panghuli ay si Alexa, sya naman ung pinakamadaldal samin noon.

Sa tatlong mga babae na yun, si Crystal lang ang naiwan na kasama namin dahil nung umalis kami sa Korea hindi na namin alam kung ano nagyari kila Mugi at Alexa.

Ang bilis naman ng oras, 1 minute nalang at magiistart na ung program, nandito na rin halos lahat ng mga kaklase namin sa section 4 at ung iba pang taga section 1, 2, 3, at 5 pero bakit kaya wala pa si Cody?

"Uy ayan na si Cody may kasama pang dalawang chicks" sabi ni Cyrus.

"Zion diba si Zhea un?" Tanong ni Cyrus sabay turo sa tabi ni Cody habang papalapit samin.

Tumingin ako sa direksyon ng tinuturo ni Kyle pero hindi ko sya makita dahil ung salamin nya ung hinahanap ko.

"Asan? Wala naman akong nakitang nakasalamin dun ah" Tanong ko kila Kyle.

Malapit na samin sila Cody kasama ang dalawang babae sa tabi nya.

Parehas silang maganda pero parang namumukhaan ko ung isa.

Zhea???

Si Zhea ba un??

Bakit hindi sya nakasalamin. Bakit ang ganda nya!?

Bumibilis nanaman tuloy ung tibok ng puso ko.

"Uy Cody!! Sino yan ha?? Pakilala mo naman kami!" Sabi ni Kyle.

"Kakadating ko lang ganyan agad hanap mo..." nagtatampong sabi ni Cody.

"Oh girls, here's Cyrus, Kyle at sigurado naman akong kilala nyo si Zion diba?" Sabi nya sabay turo samin isa isa.

"Kayo naman mga pare, kilala nyo si Zhea diba?
Si Zhea 'to at saka si Trisha ung kaibigan nya" sabi ni Cody.

"Hi/Hello" sabay na sabi nila Zhea at Trisha.

A Game Called "Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon