Chapter 25

42 2 0
                                    

Chapter 25: A wish come true ♤

===

Zion's POV

Monday, a week after nung P.T.

"Mga dudes may isang linggo tayong bakasyon, san nyo gusto gumala?" bati samin ni Cody sabay lagay ng gamit nya sa upuan nya.

"Ewan, ikaw may plano ka na ba sa bakasyon mo?" Tanong naman ni Cyrus sa kanya.

"Wala pa" sagot nya.

"Tara sa amusement park" suggestion ni Kyle kaya napatingin kami sa kanya.

"Sige ba!" Pagpayag naming tatlo pero nagsalita ulit sya.

"Kasama si Abby."

Napatingin kaming tatlo sa kanya.

"Yaah yahh!! Bakit kayo tumitingin sakin ng ganyan!?"

News 'to ah? Magdadate pala sila eh.

"Makikipagdate na lang kelangan mo pa kaming isama? Ano kami alalay mo!? Putarages wag na hahahaha!" Sabi ko sa kanya.

"Yanga magdate nalang kayo magisa nukaba pare hahahaha" Nanunuksong sabi naman ni Cody.

"Psh! May reason ako okay?-" Lumapit sya samin at bumulong "-Napilitan lang kasi akong makipagdate kay Abby ngayong bakasyon kase, uuwi parents namin. Ayoko maiwang magisa kasama yang linta na yan kaya sumama nalang kayo please? Hindi ko alam kung ano gagawin nyan sakin pag nakasama nya akong magisa huhuhuu" natatakot nyang sabi samin.

"Hahahahhahahaha gago pre!!" -Cyrus.

"Hahhahahahha laughtrip 'to ah!" -Ako.

"Seryoso ka? Hahahahaha" Mangiyak ngiyak na tawa ni Cody.

Langya ang mokong, gusto pa kami isama sa date nila ni Abby HAHAHAHAHHA!!!

"Sige na please seryoso ako." Medyo tumatawa tawang sabi nya.

"At magsasama pa kami ng date namin ganun!?" Natatawa paring sabi ni Cody.

"Isama mo si Crystal" wala sa sariling sabi ko habang tumatawa.

At bigla silang napatigil sa pagtawa kaya napatingin ako sa kanila.

"Seryoso ka sasama talaga tayo?" Gulat na tanong ni Cody sakin.

"Tapos ano yun quadraple date!? Ang epic naman non! Hahahhahha" bulaslas bigla sa tawa ni Cyrus kaya napatawa nanaman kami.

"Bakit hindi!?" Natutuwang sabat ni Abby.

Ay! Aytss. San 'to nanggaling?

"Sama ko sila Denise, Kitty, and Ryza. Pwede naman diba pleaase? Sila nalang kadate nyo basta sakin si Kyle hihihii" kinikilig na sabi pa nya. Tss. Badtrip 'to ah?

"Wag na lang pala. Ayokong kasama yung mga clown na kaibigan neto." Turo ko kay Abby tapos sumimangot sya. Langya ano yan?

"Basta kung sasama 'man tayo, si Crystal ang isasama ko." Cross arms ni Cody sabay kintab ng mata nang nakita si Crystal at dali dali itong nilapitan.

Tss, sino naman isasama ko?

Sasama pa ba ako?

'Si Zhea kaya?' Tingin ko sa kanila.

"Sasama ko si Zhea" nakatulala kay Zhea na sabi ni Cyrus.

Tss! naunahan pa ako.

Naiinis akong nagiwas ng tingin sa kanila at nahagip ng mata ko si Jacob na pinapalibutan nanaman nila Trisha.

A Game Called "Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon