Chapter 28: Resback ♤
===
Trisha's POV
"Hindi sya tao!?" Nabigla kong sigaw pagkakita dun sa nagiisparks na mga wires.
"Hindi. They're just puppets let's go" apak ni Jacob dun sa mukha nung white lady na robot.
Iniwasan ko iyon habang sinusundan si Jacob.
"Ah Jacob— nga pala, sa tingin mo san napunta yung dalawang mangangaso na nakita ko kanina?" Kalabit ko kay Jacob at napansin ko namang napatingin sakin si Zhea habang akay akay sa paglalakad si ate Yhannie.
"I don't know, probably natangay nung mga yun" tukoy nya sa mga robot na sumugod samin kanina.
Ngayong nakasalubong namin yung mga robot na yun, hindi kaya sila yung tinutukoy ng mga tao dito na multo!?
Oh my gosh!
"Huh?" Napatingin kami kay ate Yhannie nang bigla syang nagsalita na parang bagong gising lang.
Ayos na kaya sya?
"Anyare?" Takang tingin nya samin kaya kinausap sya ni Zhea hangang sa maalala nya yung nangyari.
Nagpatuloy na din kami sa paglalakad at umakyat na din ulit ako sa mga puno kasama si ate Yhannie para daw may kasama ako.
Nililibot lang namin yung tingin namin habang maingat na naglalakad at nagtatatalon sa mga puno.
"Ate Yhie, nakikita mo yun?" Turo ko dun sa parang usok ng bonfire. Tinignan naman nya yun ng mabuti at kinumpirma nga na tama yung nakikita ko.
"Tara, tignan natin" aya samin ni Zhea kaya dun kami dumiretso.
Narating naman namin iyon agad dahil malapit lang at tama nga yung nakita namin dahil sa isang bonfire nga nanggagaling yung usok na yun.
Pero habang nagmamasid kami sa camp na yun, napansin namin na para silang mga makalumang tao na walang alam sa mundo.
Mga makalumang gamit ang gamit nila pero marami din kaming nakitang mga armas na nakakalat lang dun at base sa sinabi ni Jacob, mukhang hindi din sila marunong magsalita.
As in dahil para lang silang mga unggoy na nagsesenyasan sa isa't isa.
Nakita ko yung dalawang mangangaso na muntik na naming makasalubong kanina, binaba nila at nilabas sa sako yung mga nahuli nilang-- tao!?
Napanood namin ni ate Yhannie galing dito sa itaas at nila Zhea dahil sa tulong ng drones ni Jacob kung paanong hiniwa sa tagiliran at tinanggalan ng laman loob nung mga mangangaso kasama ng iba pang sumalubong sa kanila yung mga taong nahuli nila.
Gosh di ko na kayang tignan!
Napatalikod tuloy ako.
"So they're hunting people and making them robots" Rinig kong sabi ni Jacob sa airpiece ko at nagcomment naman agad si Zhea.
"Pero mukha silang mga makaluma, at wala tayong nakitang kahit anong technology sa kanila, baka naman sila lang yung nagtatanggal ng laman loob at iba yung gumagawa ng robot?" Sabi nya na inagreehan ko naman agad.
Napansin ko na parang may umilaw dun sa pinanggalingan namin kanina na kahit sobrang layo na ay kita ko parin dahil nga sa linaw ng mata ko, nubakayo, eagle nga ang palayaw ko as an agent eh kase, sharp shooter at super long distance ang forte ko!
Teka balik tayo, yung umiilaw, syete! Yung mga robot na hindi namin binaril sa ulo kanina!
Kaya ko naman siguro sila patamaan mula dito diba?
BINABASA MO ANG
A Game Called "Love"
RomanceIf life is a bitch then Love is the game. And you gotta learn how to play it, badass. ======== A Game Called "Love" (AGCL) By: Qwynzelle (Formerly ZeaViLily19) Date started: March 27, 2017 Date finished: April 1, 2021 Status: Completed Thank you for...
