Chapter 41

66 5 1
                                    

Chapter 41: Rescue ♤

===

Jacob's POV

Nandito na kami nakapalibot sa hotel on standby.

Alam kong alam nila kung ano yung pinasok nila sa pag kidnap kay Trisha. Siguradong nakapaghanda sila para samin kaya mahihirapan kaming makapasok.

Kailangan namin makuha si Trisha agad dahil hindi natin alam kung ano maaaring gawin sa kanya ng mga gago na yon. Matagal na nilang target si Trisha sa hindi malamang dahilan, ilang beses na din namin naligtas si Trisha sa pagkakidnap pero ngayon palang kami nahirapan ng ganito.

"Jacob dapa!!!" Bigla akong napadapa nung may sumigaw sa likod.

Shit. Nadaplisan ako.

"Ayos ka lang?" Hawak ni Zhea sa braso ko habang sinusuri yung sugat ko.

"Malayo sa bituka yan tara!" Hila nya sakin sabay paputok ng baril dun sa direksyon ng nagpatama sakin kanina.

"Hanapin mo kung saang kwarto sya dinala" utos sakin ni Zhea na dali-dali ko naman ding sinunod.

"Nasa parking lot yung cellphone nya. Malabo pa yung signal pero dun talaga."

"Wala daw sila sa parking lot" Singit ni Yhannie sa earpiece namin.

"Wala ka na bang naibigay na matatrack o kahit ano? Sa damit nya or sapatos?"

"Teka" Bigla kong naalala na may nilagay akong tracker dati sa baril nya, problema dala ba nya?

Hindi yung sniper na malaki dahil paniguradong di nya madadala yun, yung maliit na hand gun lang niya na dinadala niya in-case of emergency.

*toot*

"Found it! Room 705, 7th floor, kaliwa paglabas ng elevator tapos isa pang kaliwa." Buti nalang at dala niya! Ba't hindi ko to naisip agad.

"Room 705, 7th floor, two left turns" bulong ni Zhea sa earpieces na communication naming lahat.

"You three go first, isama nyo si Vennice. Make sure to bring her back to me safely understood" Sabi ni Mr. Dizon sa earpiece.

"Yes sir!"

"Shit. Bakit kasama pa sya?" Hindi ata napansin ni Zhea pero napalakas pagkabulong nya. Sino tinutukoy nya? Si Yhannie or si Tita Vennice?

"Magsasara na bilis!" Hila ko sa kanya sabay takbo papuntang elevator, nandun na sila Yhannie at papasara na kaya naman nagmadali na ako agad pero itong si Zhea mukhang nagdadalawang isip pa pero nagpatiuna naman na din sya pagkatapos ng ilang saglit.

*ting*

Phew. Nakaabot din.

"7th floor tama?" Tanong samin ni Tita Vennice kaya tumango ako.

"Maaari ba ninyong ikwento sakin kung ano nangyari, mga anak?" Diin niya sa salitang 'mga anak'.

"Wala po kami dun sa pinangyarihan at hindi din po namin alam, si Jacob po nandun. Jacob" magalang na sagot ni Yhannie.

"Bigla na lang po niya naalala yung--" shit sasabihin ko ba?

"Yung ano?"

Aissh "Nangyari po dati, lahat, yung pagkamatay ng --"

*ting*

"Bilisan na natin dalii!!!" Patakbong sigaw ni Zhea na agad din naming sinunod.

Shit, sinasabi ko na nga ba pinaghandaan nila 'to. Napakadaming bantay sa buong 7th floor mahihirapan pa kami makapunta sa mismong kwarto na yun.

A Game Called "Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon