Chapter 16

263 10 1
                                    

Chapter 16: Infires

===

Zhea's POV

Kasalukuyan kami ngayon nagaayos ng gamit at bag paghahanda narin siguro para mamaya.

Kakatapos lang ni Trisha magayos at naglalakad naman si ate Yhannie papalapit sakin habang pinapasok ko pa ung libro ko sa bag and.... done!

"Ready na ba kayo?" Nakangiting tanong ni ate Yhannie.

"Medyo kinakabahan lang" sagot ni Trisha samantalang ako "yep" naman ang sinabi ko.

"Okay let's go! Wag kana kabahan Trisha, alam mo naman sa sarili mo na wala kang ginawang masama diba? Or wala nga ba?" Pagtaas ng kilay ni ate Yhannie sa kanya.

"Ofcourse not! Ung gandang 'to? Maghahabol sa isang lalaking may girlfriend? No way!!" Wow. Nice answer.

Lumingon ako sa kaliwa at nakita ko si Crystal sa aking peripheral view.
Lately talaga nagagambala isip ko sa kanya, ang misteryoso kase nya, kanina lang umaga sya pala ung narinig kong napakaenegetic na tumawag kay Zion na 'cousin' kuno tapos napalitan ung pagiging energetic nya ng pagkatahimik at invisible na personality nya.

Ayy nakoo.. bahala na... bahala na yun!

"Huy Zhea, ano ginagawa mo jan?" Napansin ata ni Trisha ung pagpikit ko ng mata sabay iling ng ulo >.<

"Ah wala yun, wag mo ako pansinin" sabi ko nalang sa kanya.

Nagsimula na kami lumakad nila ate Yhannie papunta sa location, actually hindi pa ni ate Yhannie kabisado ung buong school dahil nga first day palang nya dito, and same reason din pala kung bakit muntik na sya malate kaninang umaga.

Si Trisha ang nanguna samin sa daan kahit alam ko naman na talaga kung nasan ung gym. hehe.

"Yun! Ayun na yung gilid ng gym tara" turo ni Trisha kaya sumunod naman kami sa kanya.

"Oh, so they came" mataray na bati samin ni Ryza.

Tulad kanina, nakaupo lang si Abby sa isang sulok at itong tatlong alipores naman na ito ang isa isang humarap samin. Sa totoo lang kanina pa talaga ako nawiwirduhan kay Abby, sya daw eka ung Queen Bee pero hindi naman nakikipagaway, weird noh? Pero mas ayos na din yun dahil baka mamaya super warfreak pala sya, mahirap na!

Kung kanina nagaayos sya nung kuko nya, ngayon naman nagcecellphone lang sya, I wonder, bakit kaya nagpunta pa sya dito? Hindi sa nagmamataray pero pwede naman sigurong hindi na pumunta diba? Wala naman kaming atraso sa kanya?

Nevermind. Nagsasalita na pala si Alipore 1 na itatago natin sa pangalang Denise, joke! Denise daw pangalan nyan sabi ni Trisha then, so be it.

"Lakas ng pride mo para magpakita eh noh?" Nagmamayabang na tanong ni Denise kat Trisha.

"Baket? Natakot ka ba? Gusto mo bang hindi na ako pumunta para hindi ka na mapahiya? Mamaya baka lumuhod ka pa jan sa harapan ko nang umiiyak eh." -Trisha.

"Excuse me!? As if namang gagawin ko yun, you wish!!" Nagmamayabang na sagot nanaman ni Denise.

"Guys nandito tayo para ayusin ung gulo hindi para pahabain yung away so to start things up, isa isahin mo muna Denise atraso ni Trisha sa'yo and be sure na maykatuturan yang sasabihin mo, hindi pambibitang mamaya baka sabihin mo 'inagaw nya boyfriend ko!' Eh wala pa namang nagiging boyfriend si Trisha this school year and let me just remind you, ang meaning ng inagaw ay parang inangkin, ung part na mayroon ung isang tao na gamit nya pero inagaw mo at kinuha ng walang paalam saka nalang inangkin hindi yung sinsasabi mong inagaw eh hindi naman pala nya kinuha" paliwanag ni ate Yhannie saka sya binigyan ng 'so' look.

A Game Called &quot;Love&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon