Chapter 31

43 2 0
                                    

Chapter 31: Selfish ♤

===

Jacob's POV

What do you call that awful moment when the thing you hardcore wished for not to happen actually did happen?

"Oh my gosh!" Mahina nyang singhap at napatakip pa sa bibig.

"Shh" pakiusap ng mata ko sa kanya na huwag nang maingay dahil baka mapansin pa ng iba pa naming mga kasama sa table.

Buti na lang at katabi ko lang sya at mahina yung pagkakasabi nya nun.

Binalik ko yung hood ko at yung black mask na pasimple nyang tinanggal kanina.

Nakita nya pa yung malaking sugat ko sa pisngi at yung iba pang mga paper cuts.

Saglit lang, bakit ba sya nasa tabi ko? Sinong nagsabi sa kanyang umupo sa tabi ko?

"What happened to you?" Pasimpleng bunggo nya sakin kaya galit ko syang tinignan at ibinalik ang tingin sa pagkain.

Hindi ko sya sinagot.

Nakita kong tinignan nya ako nang masama bago bumalik sa pagkain.

Narinig ko yung balita sa T.V. na nakaharap samin.

Ininterview nga pala kami ng mga reporters kaninang umaga, buti na lang at naka-mask kami nung pagkalabas namin sa haunted hill.

Napansin ko na hindi maitago sa mukha nila Zhea at Yhannie yung tuwa habang nakikinig sa news. Parang kinikilig pa sila na ewan kaya hindi ko nalang din pinansin.

Pero ang nakaagaw sa atensyon ko ay yung mahinang pagbulong ni Cody sa sarili nya ng-"parang sila yung nagligtas samin" na mukhang wala namang nakarinig na iba maliban sakin dahil umalis kanina sina Zion at Cyrus at si Kyle at Crystal ang katabi nya na busy sa pagkain.

"Ha?" Ngumunguyang tingin ni Crystal sa kanya na parang nagsasabing- 'ano sinabi mo?' In way na hindi nya narinig then ngumiti nalang si Cody at umiling.

Buti na lang at pinalagpas nalang nya yung iniisip nya na yun, nakahinga ako ng maluwag.

Muntik na.

Muntik na kami mahuli.

Bakit ko ba hindi naisip yun? Mamumukhaan nila kami sa mga mask namin!

Napansin kong padabog na huminto sa pagkain at humarap sakin si Abby kaya nagulat ako.

Hindi lang pala ako, sila din.

Tinignan ko sya na para bang nagsasabi nang 'bakit ka tumitingin? Ano problema mo?' Tapos bumuntong hininga sya at magsasalita na sana nang may malakas na bumati saaming lahat.

"Good morning!!!" Masiglang bati ng mommy ni Kyle samin.

Napansin kong lumaki ang mata, bahagyang umiling at saka biglang napatayo si Abby para bumeso sa bagong dating.

Bumalik sa pagkakaupo si Abby at bigla nalang sya nagpaka-clingy kay Kyle.

"Babe say Ahh~~"

Iniwasan ko silang tignan. Nakakasuka.

Sa pagiwas ko nang tingin, nahagip ng mata ko yung nanghuhusgang tingin sakin ng mommy ni Kyle na umupo sa katabi kong upuan na supposed to be ay para kay Trisha.

Hindi ko nalang yun pinansin at nagpatuloy sa pagkain habang nakayuko.

Ang malas ng upuan ko.

Hindi ako pwedeng lumingon sa kahit saan kaya mas pinili ko nalang yumuko.

A Game Called "Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon