Chapter 13

326 7 4
                                    

Media : Just Hold On by Steve Aoki and Louis Tomlinson.

Chapter 13 : New ♤

===

Zion's POV

Isang buwan na ang nakalipas mula ang nangyari na iyon at ngayon na ulit ang pasukan namin.

Naghold kami ng isang bwan para mapagaling ung mga nasugatan, maayos ung mga gamit sa school at para magamot ung mga nadamay.

Hindi ko parin talaga maintindihan kung anong nangyari.

Hanggang ngayon ay nagpoprocess parin sa utak ko.

Kinwento na sakin nila Mom and Dad na kinidnap sila at naligtas sila ng dalawang babae at isang lalaki.

Sugatan daw ung nagligtas sa kanila pero hindi daw nila kilala kase bawal.

Ung dalawang nabaril sa bahay, naagapan pa kaya nakaligtas sila parehas.

At kung gusto nyo malaman kung sino at saan kinulong ung mga umatake na un, sila daw ay dayo galing Korea at target nila sila Mom and Dad, nakakulong sila ngayon sa isang isla na walang daan palabas maliban sa barko.

Nakaupo ako dito sa rooftop ng tambayan namin habang nagiisip.

Ung babaeng nagligtas saaming dalawa ni Cody parang kilala ko ung mata nya pero nakatakip kase ng maskara kaya hindi ko masyadong makita.

At saka bakit kaya biglang nawala sila Zhea at Trisha? Alam ba nila ung mangyayari kaya sila umalis?

"Zion" tawag ni Cody.

"Napansin mo ba? Umalis sila Zhea at Trisha bago mangyari ung trahedya? Saan kaya sila nagpunta? At saka bibisita sana ako kay Trisha sa bahay nila pero wala daw sya dun, tatlong beses na magkakasunod na araw ko sya pinuntahan pero wala sya. Hindi kaya nasa ospital sya? Pero impossible naman un kase diba umalis sya bago mangyari ung barilan?" Dugtong nya.

"Napansin ko nga, nakakapagtaka, tanungin kaya natin sila para makasigurado tayo?" Sagot ko.

"Oo nga hano, baka kung ano ano lang itong iniisip ko na 'to, pero paano kaya kung sila ung nagligtas satin?" Tanong nya ulit.

"Hindi ko alam pero pakiramdam ko parang sila nga" sabi ko.

"Guys coffee" Sabi ni Cyrus sabay abot samin ng tigitigisang cup ng coffee.

"Wag na muna natin un masyadong isipin, baka sumabog utak natin" pagbibiro ni Kyle.

"Mamahinga na muna tayo dito, mamaya puntahan natin sila Zhea at tanungin natin kung bakit sila umalis sa party bago mangyari un." Sabi naman ni Cody.

Sumandal ako dito sa may railings at saka ko tinignan ung langit.

Ang hangin pa at hindi masyadong mainit dahil maulap ang panahon ngayon.

Pinikit ko ang mata ko at nakaramdam ako ng paggaan ng pakiramdam at hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako.

Zhea's POV

"Masyado ka naman nagaalala Zhea!" Sigaw ni Trisha sabay pat sa likod ko.

"Basta ung sasabihin natin ha sakaling tanungin nila tayo" pagsisigurado ko.

"Oo na nga, paulit-ulit?" Reklamo ni Trisha.

Isang buwan din ang pinalipas namin just to keep our identities safe and improve the security of the school grounds.

And yes, I practiced tagalog na, and I'm gonna use it until I'm still here in the Philippines.

Nandito kaming dalawa ngayon ni Trisha naglalakad sa corridor at naglilibot libot sa mga lugar lugar.

Hinanap namin ung mga classroom na nakipaglaban kami at ung mga daan na pinuntahan namin.

"Guys!! Pumunta kayo sa may Bulletin Board!! Nilagay na nung principal ung bagong schedule at bagong sectioning!!" Sigaw nung mga class representative.

"Huh? May bagong sectioning at schedule? Tara Zhea!! Tignan natin!! Sana magkaklase tayo!!" Aya nya sakin sabay hila sakin papuntang bulletin board.

Nakipagsiksikan pa kami sa mga istudyante dito.

Bakit kaya nagkaroon ng bagong sectioning? Dahil kaya un sa nangyari?

Tinignan namin ung nasa bulletin board at nagulat ako dahil lahat kaming mga agent na nagaaral dito sa school na 'to ay pinagsama-sama sa isang classroom pero teka.

Bakit wala kami dun ni Trisha?

"Zheaa! Magkaklase na tayo!!! Tignan mo 3-B" sigaw ni Trisha habang nagtatatalon sa tuwa.

Tinignan ko ung 3-B at bakit ganun, nandito lahat ng mga highclass na students? Sina Zion, Cody, Cyrus at Kyle? Well, ayos naman sakin si Cody pero bakit silang lahat? Kaklase namin sila??

Hinatak ako ni Trisha palayo sa bulletin board at papunta sa ilalim ng puno nung garden na kung saan una kaming nagkita.

Lumapit sya sa tenga ko at saka sya bumulong "Huy Zhea, ang abnormal naman! Napakaunfair!! Bakit ung mga agent na nagaaral dito sa school na 'to magkakasama sa 3-A? Bakit tayong dalawa nasa 3-B? Sayang!! Akala ko makakapagusap na tayo tungkol sa mga agent stuffs sa classroom! At saka bakit section A sila?? Lahat ba sila matalino? Matalino din naman tayo ah!" Pagmumuriot nya.

"Hahahhaha!" Tinawanan ko lang sya kaya hinampas nya ako sa braso.

Naupo kaming dalawa at sumandal sa puno habang nagmumuriot at may -_- ganitong expression sa mukha dahil narealize namin na 20 palang ang students sa 3-A samantalang lagpas 30 na sa 3-B... ang unfair pero saka kaming tumawa kase napansin namin namukha kaming mga bata na inagawan ng lollipop hahahhaha.

"Let's just adjust" sabi ko.

"Oo nga, okay, kaklase natin ung mga high class students at si Queen Bee kasama ang mga alipores nya." Sabi ni Trisha.

"Queen Bee? Alipores? May ganun ba dito sa school na 'to?" Nagtataka kong tanong sabay taas ng ulo, indian seat at harap kay Trisha habang naghihintay ng kwento nya.

"Queen bee, si Abby kasama ang mga alipores na tagasunod nya. Sila actually ung dahilan kung bakit hindi ako nagtitiwala sa mga tao agad agad." Medyo malungkot nyang sabi.

Binigyan ko sya ng 'tapos?' look.

"Tapos matatapang sila, purkit enggaged lang sya kay Kyle eh. Tapos eto pa, pinagtripan nila ako last year kaya humiwalay ako sa kanila" sabi nya.

"Humiwalay?" Tanong ko.

"Oo, isa kasi ako dati sa kanila, hindi bilang alipore pero bilang kanang kamay ni Queen Bee. Mga bully kami nuon pero napansin ko sumusobra na kami mangbully sa mga walang ginagawa samin kaya isang beses pinagtanggol ko ung binully nila, ako naman ung pinagtripan nila" sabi pa nya.

"Ahhh, wag ka magalala! Mukha lang akong tahimik na magandang nerd pero pagka ako nagalit at pagka sila sumobra na, makikita mo ung dragon ko!" Sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"Pero how come na hindi ko pa sila nakikita at hindi ko pa sila nakikitang nangbubully sa nakaraang dalawang buwan na nagaaral ako dito?" Tanong ko.

"Hmm, Nasa US kasi sya ngayon, hindi ko alam kung kelan sya babalik pero maganda nang handa tayo di ba?" Sabi nya.

"Ahhh. K. Tara na sa bagong Classroom!" Aya ko.

Naglalakad kami sa corridor at nasa harap na kami ng pinto ng saktong nag ring ung bell.

"Handa ka na Trisha?"

"Ready! Ikaw?"

"Ready!!"

Tinignan ko ung classroom at habang papasok kami parang lumiwanag ung buong classroom.

(A/N : ung feeling na parang papasok ka sa new level ng isang laro na may ilaw na sisilaw sayo, un ung imagine nyo😂😂)

"New Classroom, New Classmates, New HS Life!! Here We Come!!"

A/N : okay so maikli lang po ito at tinatamad ako maglagay ng Author's note kaya hanggang dito nalang hahaha c u next chapter!!

A Game Called "Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon