Chapter 17

242 15 2
                                    

Chapter 17 : Hangout ♤

===

Zion's POV

Sabado ngayon at wala ako masyadong magawa sa bahay kaya inaya ko sila Cody para lumabas.

Dito kami nakarating sa isang mall malapit sa school matapos magsawa sa basketball.

Dito na daw kami mananaghalian dahil nagugutom na sila.

Kakaakyat palang naming apat sa escalator nang napansing wala na sa tabi namin si Cyrus.

Lumingon ako sa pinanggalingan namin at nandun sya, nakatingin sa baba.

Nilapitan namin sya at inakbayan.

"Lalim ng iniisip ah?" Sabi ni Kyle bago namin tignan kung ano yung tinitignan ni Cyrus.

"Battle of the bands?" Takang tingin ni Cody kay Cyrus kaya napatingin din kami sa kanila.

"Tara na" alis ni Cyruz kaya hinabol namin sya at inakbayan.

"Pakipot pa mga pre. Tara sali tayo, wala din naman tayong gagawin mamaya" panghihikayat ko kila Cody at Kyle na makisakay sa trip ko at sumakay naman sila.

"Tara dun ang daan" pilit inikot ni Kyle si Cyrus pabalik dun sa escalator.

"Ano ba wag na nga sinabi eh" medyo natatawa pang pigil ni Cyrus sa kanya pero wala syang laban samin.

"Tara na kase! Aarte pa gusto naman" tulak ko sa kanilang dalawa ni Kyle at nakiakbay naman sakanila si Cody habang tumatawa.

Lumapit kami sa stage.

Wala namang problema dahil marunong naman kami tumugtog bilang isang banda kaya lang...

"Sorry. Puno na po kasi yung list of contestants, matagal na po silang nagparegister. Kung gusto nyo po sa next season isasali ko po kayo?" Paliwanag samin ng organizer na babae.

"Diba, sabi ko sa inyo wag na eh" talikod samin ni Cyrus na halatang dismayado.

Tatalikod na din sana kami ng may biglang isang babae ang dumaan saming apat patakbo dun sa organizer.

"Ma'am nagback-out po yung grupong Hate-less. Kakatawag lang ma'am, magkukulang yung mga bandang magpeperform, magagalit po si ser ano na ma'am gagawin naten?" Rinig naming natatarantang sabi nung babae sa organizer.

Napatingin kaming apat sa kanila, napatingin din sila samin.

Lumapit samin yung organizer at saka sinabing "your in, what's the name of your group" habang nakaready nang magsulat sa papel nya.

Tinignan namin si Cyrus, naghihintay kung anong pangalan ang sasabihin nya.

"Yakult"

"Ok----- wait what? Are you sure?" Takang tingin sa kanya nung organizer.

Kami din napatingin sa kanya.

'Yakult? seryoso? Bakit yakult?'-meaning ng tingin ko sa kanya.

'Hoy wag!' Si Cody at tinawanan lang kami ni Cyrus.

A Game Called "Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon