Bagamat ako ay sadyang mahiyain,
Sa taong tunay na mahalaga sa'kin.
Kaya kung ikaw ay umiiwas sa'kin,
Puso ko'y parang nasawi sa pag-ibig.
O sadiyang kay hirap namang tanggapin.
Heto ka ngayon umiiwas sa akin.
Dinadalanging sana'y iyong mapansin,
Itong aking munting lihim na pag tingin.
Ako'y sumasaya pag-ika'y nakita,
Mundo ko ay lumiwanag at sumigla.
Sa iyong mga ngiti na ubod ng ganda.
Buong araw ko ay nakukumpleto na.
Sana nga ganito na lamang parati,
Masaya ka at palaging naka-ngiti.
Dahil kapag-ikaw ay nasasaktan na,
Mas dobleng sakit ang aking nadarama.
Sana ngayo'y na pag-isip-isip mo na,
Ako'y tunay na nagmahal sayo sinta.
At sana'y mapag-isip-isip mo na,
Ako na talaga at wala ng iba.
BINABASA MO ANG
Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.
PoetryPasensya na po kung masyadong emo, broken, pagkabigo, trying hard, etc. etc. Lahat po kasing ito ay nasulat ko lang dahil wala akong mapagsabihan. Sa pamamagitan ng pagsusulat ay naiibsan ang aking kalungkutang naramdaman, kaya sana po ay pagpasensy...