Napakasaya ko dahil kasama ko sya,
Ang taong mahal ko at wala ng iba.
At sa bawat oras na nagdaraan,
Sobrang saya ang aking nararamdaman.
Walang oras na hindi ko sya kasama.
Sa kahit saang lugar pa kami magpunta.
Sapagkat ako ay mahal na mahal nya,
Dahil iyon ang kwento sa na buo kong istorya.
Sana nga lang ang lahat ng iyon ay magkatotoo.
Dahil ito lang ang bagay na minimithi ko.
Ang maging sayo, tanging sayo.
Yun lang ang tanging bagay na aking ginusto.
Ngunit siguro ay ganoon talaga.
Kaya mabuting tanggapin ko habang maaga pa.
Na hindi talaga tayo para sa isa't-isa.
Nang konting sakit lang ang aking madama.
Ngayon ay iibahin ko na ang istorya,
Ang masayang kwento ay tatapusin ko na.
Dahil ang masayang ako na hindi naman talaga,
Nagtago sa masayang mundo sa isipan ko nalikha.
BINABASA MO ANG
Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.
PoetryPasensya na po kung masyadong emo, broken, pagkabigo, trying hard, etc. etc. Lahat po kasing ito ay nasulat ko lang dahil wala akong mapagsabihan. Sa pamamagitan ng pagsusulat ay naiibsan ang aking kalungkutang naramdaman, kaya sana po ay pagpasensy...