Saya.
Kung minsan nag dadala ng takot,
Kung minsan nama'y nauuwi sa kalungkutan.
Pero ito ang pinakagusto nilang maramdaman.
Lalo na ang taong sa pagmamahal ay kulang.
Takot.
Kahit masaya makakaramdam ka ng kaba,
At pagkatapos ay malulungkot ka.
Kung minsan di mo na alam kung saan pa pupunta.
At ang takot pag naghari di kana makakatakas pa.
Kalungkutan.
Ang pumapatay sa lahat ng uri ng saya
Kahit ang takot ay napapatay nya.
Kung minsan di na to mapapawi pa.
Dahil ang kalungkutan pagnamayani ay na kakaawa ka.
Pero meron akong kakilala,
At ang kalungkutan ay kinain sya.
Ngunit ako'y lubhang nagtataka,
Dahil lumuluha sya habang nakatawa.
BINABASA MO ANG
Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.
Thơ caPasensya na po kung masyadong emo, broken, pagkabigo, trying hard, etc. etc. Lahat po kasing ito ay nasulat ko lang dahil wala akong mapagsabihan. Sa pamamagitan ng pagsusulat ay naiibsan ang aking kalungkutang naramdaman, kaya sana po ay pagpasensy...