Itatapon ko na sana ‘tong lumang sipilyo,
Ngunit nag-aalinlangan ako para dito.
Gusto ko na rin nga sanang bumili ng bago,
At palitan na ‘tong luma’t sira kong sipilyo.
Lumake na ang agihap dito sa nguso ko,
At ‘yon ay dahil sa luma’t sira kong sipilyo.
Inis na inis na nga ako sa sarili ko,
Dahil ayoko pang palitan at itapon ‘to.
Kay gaganda ng sipilyo ang aking nakita,
Ngunit may alinlangan lang kung bibilin ko ba.
Kasi hindi sigurado ‘tong nadarama ko,
Dapat na bang itapon ang luma kong sipilyo?
Alam ko balang araw ito’y masisira din,
Ang luma kong sipilyo’y mapapalitan na rin.
Bibili ng bago ngunit kagaya nya parin.
Dahil ang sipilyo kong ito’y mahal ko parin.
BINABASA MO ANG
Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.
PoesíaPasensya na po kung masyadong emo, broken, pagkabigo, trying hard, etc. etc. Lahat po kasing ito ay nasulat ko lang dahil wala akong mapagsabihan. Sa pamamagitan ng pagsusulat ay naiibsan ang aking kalungkutang naramdaman, kaya sana po ay pagpasensy...