Mga braso na di na maramdaman,
Dahil sa kakatulog sa maling paraan.
Wala naman din kasing mapagpipilian,
Kapag pagod ang umatake, tiyak wala kang laban.
Sa bawat umagang paparating,
Laging umaasang sana sa maghapon ay marating.
Ang bukas na kahit alam kong madilim.
Nakangiti pa rin ako't nasasabik ng palihim.
Isang dakot na hangin, tila isang suntok sa bituin.
Sa kakarampot na ispasyong napakahirap sukatin.
Ngunit nagkasya dito ang nagsusumiksik kong pagtingin.
Pero kahit sinarado na ito ng todo, pag-asa'y labas pa rin.
Kaya bukas palad akong mananalangin,
At kahit hindi na ito dinggin.
Na sana bukas sa'king pag gising,
Madakot ko na ang hangin.
BINABASA MO ANG
Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.
PoesiaPasensya na po kung masyadong emo, broken, pagkabigo, trying hard, etc. etc. Lahat po kasing ito ay nasulat ko lang dahil wala akong mapagsabihan. Sa pamamagitan ng pagsusulat ay naiibsan ang aking kalungkutang naramdaman, kaya sana po ay pagpasensy...