Wala na akong maisip na magandang kanta,
Para mapakalma ang puso kong nagdurusa.
Hindi ko rin alam kung saan maaring makarinig,
Nang maingay at masayang himig.
Sobrang nakakabingi ng katahimikan,
Na para bang may nais ipanambitan.
Sumisigaw ito ng pagkalakas-lakas.
At kailan naman kaya ito maaring magwakas?
Ang hirap magtulog na para bang may kausap kang iba,
At ang tanging nais ay sana'y makuha na ko niya.
Hinihiling na sanay tinig nya marinig,
At natitiyak ko na ang aking kalungkutan ay syang mananaig.
Hanggang sa ngayon pinakikinggan ko parin,
Ang tahimik na himig na para lamang sa akin.
Pakikinggang kasabay ng paghihintay.
Paghihintay sa pagdating ng ikatlong bagay.
BINABASA MO ANG
Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.
PoetryPasensya na po kung masyadong emo, broken, pagkabigo, trying hard, etc. etc. Lahat po kasing ito ay nasulat ko lang dahil wala akong mapagsabihan. Sa pamamagitan ng pagsusulat ay naiibsan ang aking kalungkutang naramdaman, kaya sana po ay pagpasensy...