Papaano ba kita makakalimutan,
kung hindi ka maalis dito sa’king isipan?
Papaano ka nga ba makakalimutan?
Sana naman ang puso ko ay iyong turuan.
Ngayon pilit kong hinahanap sa iba,
Pagmamahal na pinagkait mo sa’kin sinta.
Hinanap sa iba pagmamahal mo sinta.
Ngunit itong puso ko ay pagod na pagod na.
Gustuhin mang ibaling pag-ibig sa iba,
Ngunit hindi maalis pagtingin sayo sinta.
At gustuhin ko man na ika’y kalimutan,
hirap na hirap naman itong aking isipan.
At sa bawat oras na naaalala ka,
pakiramdam ko ay may kulang sa akin sinta.
Hindi na malaman totoong nadarama,
ngunit mukhang kailangan ng kalimutan ka.
Sana kahit konti’y nagtira ako sinta.
Nang di ako nahihirapang kalimutan ka.
Mali nga na minahal ka ng sobra-sobra.
Wala na tuloy natira sa puso kong tanga.
BINABASA MO ANG
Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.
PoésiePasensya na po kung masyadong emo, broken, pagkabigo, trying hard, etc. etc. Lahat po kasing ito ay nasulat ko lang dahil wala akong mapagsabihan. Sa pamamagitan ng pagsusulat ay naiibsan ang aking kalungkutang naramdaman, kaya sana po ay pagpasensy...