Sa likod ng aking mga ngiti

305 9 0
                                    

Sa isang iglap may kasiyahang nagaganap.

At sa isang banda mayrong taong nagdurusa.

Pwede bang pagsabayin ang mga nadarama?

O itago na lang ang kalungkutan sa saya?

Kay hirap namang magpasya para sa sarili,

Kahit puso'y hirap na hirap ng humalili.

Sayo ay ipinipilit itago ang sakit.

At kahit malungkot puso'y mapagpanggap parin.

Bagamat sa likod ng aking mga ngiti,

Mayroong kalungkutan na laging nagkukubli.

At sa likod ng lahat ng aking kasiyahan,

Mayroong malaking problemang pinagdaraanan.

Kaya nandito ako at nakatawa parin.

At sa kabila ng lahat nakangiti parin.

Basta kaya kong pigilan magpapaggap parin.

Alang-ala lang sayo lahat kaya kong gawin.

Kaya kung makikita mo akong nag-iisa,

Ibig sabihi'y di na matago ang nadarama.

Lalo na sa twing ikaw ay aking nakikita,

Lalong nahihirapan itong damdamin sinta.

Kailan matatapos ang paghihirap na to?

Sana naman pagbigyan munting taong gaya ko.

Na lumigaya kahit sa sandaling panahon,

Madama ang saya kahit problema'y patong-patong.

Sana noon hindi na lang ako umasa pa,

Nagmumukha tuloy akong ngayong tanga sinta.

Alam mo naman na noon ay mahal na kita,

Hindi mo lang pinagbigyan ang puso mo sinta.

Kaya tama pa ba kung ako ay umasa pa?

kahit iyang puso mo'y ayaw ng umibig pa.

Kaya kahit matagal ako'y maghihintay sayo.

Dahil itong pag-ibig ko sayo ay totoo.

Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon