Apat na sulok ng aking kwarto

143 3 2
                                    

Ang aking kwarto ay sadyang kay gulo,

Na para bang dinaanan at sinalanta ng bagyo.

At kahit na anong linis ang gawin ko,

Hindi mabawas-bawasan ang kalat dito.


Sa sobrang kalumaan nga ng aking kwarto,

Dumami na ang sira sa sahig nito.

Pinakuan ko na nga ng ilang mga tabla,

Ngunit sa dami ng butas mukhang hindi ko na kaya.


At bakit ba ganito ang nararamdaman ko?

Habang ako'y nag-iisa sa loob ng aking kwarto.

Ang pakiramdam ko ay parang wala na akong halaga,

Sa apat na sulok ng aking kwarto'y may kakaiba.


Sa daming bagay na dapat kong gawin,

Hindi ko na malaman kung anong dapat unahin.

Dahil sa loob ng aking kwarto'y may nais baguhin.

At ang mga kalungkutang na nasa sulok ay gusto ko ng basagin.

Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon