Sa isa kong porsyento II

101 4 0
                                    

Ako ay nagtataka hindi malaman sinta,

dahil sa mga kinikilos mo kakaiba.

Hindi ko maipaliwanag ang nadarama.

Mukhang ang isang porsento ko ay tumaas na.

Ngunit ang puso ko ay hindi na umaasa.

At baka ito’y mauwi lang sa pagdurusa.

Pero baka sakaling pagtingin mo’y mag-iba.

At ang isang porsyento ko ay maging dalawa na.

Kung alam mo lang sana ang aking nadarama,

Sa tuwing ika’y aking nakikitang masaya.

Lalo na pag-ika’y nakangiti’t nakatawa.

Saya’y umaapaw habang tinititigan ka.

Sana lang sinta huwag na itong maulit pa.

Ang sobrang sakit na noon ay aking nadama.

At sana naman ang tulad ko’y maging masaya,

kahit na sa napakaitling oras lang sinta.

Ako’y natatakot baka magkamaling muli.

At itong puso ko’y muli na namang masawi.

Maghihintay na lang at magbabaka-sakali.

Hanggang sa dumating ang kasiyahang minimithi.

Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon