Nung unang araw na tayo'y nagkakilala,
Ako ay umibig agad sayo sinta.
Hindi maipaliwanag ang nadarama,
Sa isang Porsyento ako kaya'y may pag-asa?
Ano ang magagawa ng isang porsyento?
Kung siyam naput-siyam ang kalaban nito.
Siguro nga ay dapat na akong sumuko.
Ngunit nag-aalinlangan 'tong ang aking puso.
Kay hirap mag-isip kung anong dapat gawin,
Para mapakita ang tunay na pagtingin.
Alam kong alam mong iniibig kita,
Pagtingin mo kaya'y sa akin ay mag-iba?
Ngayon na alam ko na wala ng pag asa.
Mukang ang isang porsyento ko'y bumaba pa.
Ano na mangyayari dito sa puso kong tanga?
Siguro'y hanggang dito na lang ako sinta..
![](https://img.wattpad.com/cover/12601796-288-k422218.jpg)
BINABASA MO ANG
Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.
PoeziePasensya na po kung masyadong emo, broken, pagkabigo, trying hard, etc. etc. Lahat po kasing ito ay nasulat ko lang dahil wala akong mapagsabihan. Sa pamamagitan ng pagsusulat ay naiibsan ang aking kalungkutang naramdaman, kaya sana po ay pagpasensy...