Sais ang alak
Isang tagay sa tagumpay?
o isang tagay ng isang lupaypay?
Sais ang alak, sa isang alak.
Anim na bote, sais ang alak.
Kung gusto nyong mawasak, sais lang ang alak.
At kung gusto nyo pang mawasak, sais lang ang alak!
At pag naubos, titigan lang ang bote.
Isiping tulad ka nito, na parang walang nangyare.
Na kahit wala nang laman, makikita pa rin nila na isa
'tong bote.
Sais ang alak! Lahat ng problema mo'y makakalimutan.
Sais ang alak! Lunukin mo lang nang dahan-dahan.
Lasapin ang mga masasalimuot na nakaraan.
Dahil yan lang ang paraan, upang lubusang matanggap ang
katotohanan.
Ngunit ang alak na ito ay parang pangarap ko.
Dahil kahit kailan, walang nagbenta ng alak na ganito.
Sais ang alak.
BINABASA MO ANG
Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.
PoetryPasensya na po kung masyadong emo, broken, pagkabigo, trying hard, etc. etc. Lahat po kasing ito ay nasulat ko lang dahil wala akong mapagsabihan. Sa pamamagitan ng pagsusulat ay naiibsan ang aking kalungkutang naramdaman, kaya sana po ay pagpasensy...