Kay daling paglaruan kung inyo itong pagmamasdan,
Ngunit ito ay mahirap pag-inyo nang nasubukan.
At ang isang maling pagpihit ay pinagsisisihan,
Dahil parang nasayang pagkakataong inasahan.
Para nga itong puso kong napakahirap buoin,
Lalo na ngayon na tuluyan na itong sisirain.
At ang mga kulay na kay hirap pagsama-samahin.
Puso kong gulo-gulo may pag-asa kayang ayusin?
Sana isang araw may taong bubuo sa'king puso.
Upang mapawi ang mga paghihirap na dinaanan ko.
Kung mayroon lang sanang tao na maglalaro nito,
Siguro kahit papaano'y mabubuo nya ako.
Alam kong sa tamang panahon ay makikita ko rin,
Ang isang taong bubuo at kukumpleto sa akin.
Itong puso kong gulo-gulo ay muling bubuoin.
Sa wakas ang laruang ito ay matatapos na rin.

BINABASA MO ANG
Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.
PoetryPasensya na po kung masyadong emo, broken, pagkabigo, trying hard, etc. etc. Lahat po kasing ito ay nasulat ko lang dahil wala akong mapagsabihan. Sa pamamagitan ng pagsusulat ay naiibsan ang aking kalungkutang naramdaman, kaya sana po ay pagpasensy...