Kay gandang biyaya dulot sa’tin ng ulan.
Ngunit sa ibang tao ito’y kalungkutan.
Lalo na sa t’wing kanilang natatandaan,
Ang mga nakaraang ayaw na balikan.
Sa tuwing ikaw ay aking naalala,
Luha ko’y bumubuhos sa’king mga mata.
Dahil sa ikaw lang ang tanging mahalaga.
Sa magulo kong mundo at wala ng iba.
Kung alam mo lang sana, aking nadarama.
Sa tuwing ikaw ay may kasama pang iba.
Hindi mo lang alam, sobrang kay hirap sinta.
Na para bang ulan na di na titila pa.
Sana lang sinta ako ay iyong mapuna,
sapagkat ang puso ko’y pagod na pagod na.
Ang puso kong umaasa may pag-asa ba?
At sana naman ito ay mapansin mo na.
Ngayon nahihintay kung kailan titila,
itong ulan pagitan sa ating dalawa.
Kailan ba magwawakas, sana’y ngayon na.
Upang ang liwanag ay masilayan ko na.
BINABASA MO ANG
Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.
PoetryPasensya na po kung masyadong emo, broken, pagkabigo, trying hard, etc. etc. Lahat po kasing ito ay nasulat ko lang dahil wala akong mapagsabihan. Sa pamamagitan ng pagsusulat ay naiibsan ang aking kalungkutang naramdaman, kaya sana po ay pagpasensy...