Pader

142 4 3
                                    

Matagal ko ng pinag-iisipan kung papaano aakyatin,

Ang napakataas na pader na para bang lagi sakin ay nakatingin.

At sa tuwing ako'y dumaraan lagi itong takaw pansin.

Hindi ko na tuloy mawari pa ang mga nais kong sabihin.


Nung minsan nga ng tinangka kong ayatin ito,

Nahulog at nasaktan lamang ako.

At sa dinami-rami ng mga naging saksi ko,

Nakakapagtakang walang man lang saking sumalo.


At ngayon isang panibagong pader ang natagpuan,

Halos kaparehas ng sa unang pader ang aking naramdaman.

Gusto ko nga sanang subukang akyatin ito.

Ngunit ito'y nagbibigay ng takot na baka masaktan muli ako.


Pero wala naman na akong mapagpipilian pa,

Kundi ang subukang akyatin ang pader na kakaiba.

Dahil nasa likod lang nito ang inaasam na kasiyahan,

At sana naman sa pagbaba ko makamit na ang tunay na kaligayahan

Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon