Ako’y sumasaya sa tuwing nakikita ko siya.
At nag-uumapaw ang saya kapag siya’y aking kasama.
Sana nga’y alam niya kung gaano ka saya.
At baka sakaling madama din niya ang aking nadarama.
Kung minsan ay nagpapanggap na lang ako na malungkot.
Ngunit iilan lang ang nakapansin kaya ako ay nabagot.
Pero kung minsan talaga lumalabas ng mag-isa.
Ang tunay kong pagkatao, masiyahin talaga.
Naisip ko na ngang wag na siyang kausapin.
Para hindi na niya ako muling mapansin.
At ang kasiyahan na matagal ko ng kinimkim.
Kahit ako’y nag-iisa ito’y lumalabas ng taimtim.
At ang sayang ito ang may kagagawan.
Kung bakit nakatago ang tunay kong nararamdaman.
At ang alam kong magwawakas din ang sayang ito.
Ngunit hindi na ako aasang sa sarili ko’y may magbago.
BINABASA MO ANG
Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.
PuisiPasensya na po kung masyadong emo, broken, pagkabigo, trying hard, etc. etc. Lahat po kasing ito ay nasulat ko lang dahil wala akong mapagsabihan. Sa pamamagitan ng pagsusulat ay naiibsan ang aking kalungkutang naramdaman, kaya sana po ay pagpasensy...