Ang tanong ko

150 5 0
                                    

Bakit ang ilap sa'kin ng tadhana?

Dahil ba sa wala na akong nagawang tama?

May posibilidad pa kayang ito'y mabago?

O wala ng pag-asang ibibigay sa'kin ang mundo?

Hanggang pangarap na lang kaya ang minimithing saya?

O sa bandang dulo ko pa ito pwedeng makuha?

Nasayang lang ba ang mga panahong ginugol ko?

Sa matagal na paghihintay mayroon kayang nagbago?

kalooban kaya ng langit na pahirapan ako?

Pero ano ang dahilan kung bakit nangyayare sa'kin ang ganito?

Kabayaran ba ang lahat ng ito sa mga pagkakamali ko?

O pinipigilan lang ako ng kapalaran kong manalo?

Pagsubok lang kaya ang lahat ng mga ito?

Kung pagsubok nga, Hanggang kailang kaya ang itatagal ko?

Hindi ka pa ba pagod, ha kapalaran ko?

Kasi pagod na ko, ito kaya'y nakikita mo?

Kailan kaya darating ang minimithing saya?

Bukas? Sa makalawa? O sa isang linggo pa?

Sana naman nakarating sayo,natanggap mo ba?

Dahil nagtatanong ako, may kasagutan kaya?

Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon