Sa likod ng salamin

151 6 2
                                    

Natural na makita ang sarili sa salamin.

Pero hindi lahat ay makikita mo, kahit magsuot ka pa ng salamin.

Mga replesyong hindi nakikita ng iba.

Dahil wala naman silang alam sa tunay kong nadarama.

Mga emosyong bukod tanging sa’kin.

Mga emosyong kusang lumalabas sa harapan ng salamin.

Mga emosyong sumasalamin sa tunay kong damdamin.

Mga emosyon na kay hirap tanggapin.

Sana sa likod ng salamin ay makita ko,

Ang kabaliktaran ng repleksyong nakikita ko.

Ang mga replesyong hindi naman talaga nakikita.

Dahil lagi na lang nakangiti, kaya hindi mapansin ng iba.

Sa harap ng salamin nai-sisigaw ko ang lahat.

Mahirap! Hindi ko na kaya! Hindi pa ba sapat?

Kasunod nito ay babasagin ang salamin.

Dahil umaasang kasabay nitong mababasag ang aking mga saloobin.



Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon