Bakit ba ang buhay ko’y sadyang ganito?
Mga kapalaran ko’y biglang nagbago.
Nang ika’y mawala dito sa puso ko,
Parang nawalan ng kulay ang buhay ko.
At kahit nga kung minsan sa pagtulog ko,
ikaw ang parating naiisip ko.
Dinarasal na sana ay pagbigyan mo,
nang hindi na umasa itong puso ko.
Parang larawang na nabibigay saya,
Sa buhay ng tao’t marami pang iba.
Nagpapalabas din ito ng nadarama,
katulad na lang ng paghihirap ko sinta.
Ngunit ito ang tadhana sa’king buhay.
Parang larawang pinintang walang kulay.
Sapagkat ang buhay ko’y wala ng saysay,
kaya ganito ang resulta sa’king buhay.
Tingnan mo ako ngayon, naghihirap na.
Sa mga problema’y tinalikuran na.
Dahil parati na lang na nag-iisa.
Sa isang larawan, buhay ko’y pininta.
Sadya kay pait ng aking kapalaran,
Sa guhit ng dyos sa’king larawan.
Mga kamalasan sa’kin ay nakamtan.
Na hindi nanaisin ng kung sino man.
Sana nga lahat ng ito ay magbago.
Mabaliktad lahat ng kamalasan ko.
Nang hindi na mahirapan ang buhay ko.
HInihiling na sana’y pagbigyan ninyo.
At alam kong lahat ito suliranin,
ngunit sana ngayon ay inyo ng mapansin.
Paghihirap na aking nararanasan,
Sana’y hindi na lang ninyo malaman.
Salamat na lang sa mga tulongg ninyo.
Malaking bagay na ang lahat ng ito.
Tatanawin kong malaking utang ito,
Dadalhin hanggang sa huling hininga ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/12601796-288-k422218.jpg)
BINABASA MO ANG
Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.
PoesíaPasensya na po kung masyadong emo, broken, pagkabigo, trying hard, etc. etc. Lahat po kasing ito ay nasulat ko lang dahil wala akong mapagsabihan. Sa pamamagitan ng pagsusulat ay naiibsan ang aking kalungkutang naramdaman, kaya sana po ay pagpasensy...