Nagwakas sa umpisa

146 4 0
                                    

Nagsisimula palang ay agad ng winakasan.

Ang sana’y kaligayahan na gusto kong makamtan.

Ngayon ay halos wala na akong maramdaman.

Sawa na rin ang puso ko sa mga kabiguan.

At ang akala kong ang lahat ay tapos na.

At ang wakas ay ang bago kong panimula

Ngunit ganoon din pala siya.

Parang bumalik lang ako sa umpisa.

Papaano ko kaya ito matatakasan?

Ang mapait na ginawa sa’kin ng kapalaran.

At ang pinakamapait na katotohanan,

Wala man lang nagtangka na ako’y ipaglaban.

Nakakapagtaka ngang kinakaya ko pa.

Dahil pakiramdam ko ay wala na akong halaga.

Bakit ba kasi ganoon sila?

Sana hindi ko na lang sila nakilala.

Wala na akong maisip na paraan,

Para makalimutan ang mga nakaraan.

Sana nga ay wag na akong pagtaguan,

nang taong magwawakas ng aking mga kabiguan.

Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon