Saan nagtutungo ang sugatang puso.

272 8 0
                                    

sadiya bang ganito ang kapalaran ko?

kasi hindi malaman kung bakit magulo.

para ngang sinadiya na magkaganito,

masaktan na ng lubusan itong puso ko.

ngayon hindi malaman kung saan pupunta,

itong aking mumunting pusong nag-iisa.

saan nga ba talaga mga nagsipunta?

ang mga pusong sugatan at nagdurusa.

hanggang sa ngayong pilit hinahanap parin,

ang lugar kung saan mapayapa't taiimtim.

makalimutan ang lahat kahit sandali,

sumaya man lang kahit oras ay maikli.

noon ako ay lubha talagang nasaktan,

ngunit ngayon ay pilit ng nilalabanan,

'tong aking damdaming kay hirap diktahan,

hanggang ngayon puso'y lugmok sa kalungkutan.

Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon