Kay sakit isipin ako ay nahihirapan,
Sa ginawa mo sa'kin ako'y nasaktan.
Bawat gabi ika'y aking nasa isipan.
Umiiyak na parang walang katapusan.
Hindi mo lang alam na ako'y nasasaktan,
Sa pagmahal sayo pagdurusa'y nakamtan.
Sapagkat ngayon ko lang ito naramdaman,
Sakit na dulot ng aking kapabayaan.
Kapag-ako'y nakita ika'y lumalayo,
Kapag-ako'y lumapit ika'y walang kibo.
Ngunit lahat ng ginawa ko'y para sayo.
Na sana noon pa ay binigyang pansin mo.
Sana ngayon ay na pag-isip-isip mo na,
Hindi ko kaya itong ginawa mo sinta.
Pagmasdan mo ako ngayon na nagdurusa,
Sa iniwang marka ng nawasak na pag-sinta.
BINABASA MO ANG
Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.
PoesíaPasensya na po kung masyadong emo, broken, pagkabigo, trying hard, etc. etc. Lahat po kasing ito ay nasulat ko lang dahil wala akong mapagsabihan. Sa pamamagitan ng pagsusulat ay naiibsan ang aking kalungkutang naramdaman, kaya sana po ay pagpasensy...