Ayoko na sanang makita ang bahagharing iyon,
Ngunit nagpakita nanaman sa'kin to ngayon.
Bahagharing hindi na aalis sa kalangitan,
Kahit umaaraw o kaya'y umuulan.
Kahit ako'y nasa kwarto ito'y nakikita ko.
O kahit saang panig pa ko ng mundo.
Hindi ito mawawala sa aking paningin,
Kahit na nakapikit ito'y nakikita parin.
Pero kung minsan ito'y nawawala naman.
Ngunit ito'y panandalian nga lamang.
Dahil pagkatapos ng saya ito'y magpapakitang muli,
Ang may walong kulay na bahaghari.
Ang gusto ko lang naman sa buhay ay maging masaya.
Ngunit hindi ko malaman kung bakit di ko to makuha.
Kung hindi ko lang sana nakita ang bahagharing iyon,
Siguro sa pagmamahal hindi na ako ngayon gutom.
Sana naman dumating ang araw na ibang bahaghari naman ang makita,
Yung tipong nagliliwanag tapos mapapangiti ka.
Dahil ang may walong kulay na bahaghari,
Ang ibinigay lang sa'kin ay puro pighati.

BINABASA MO ANG
Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.
PoetryPasensya na po kung masyadong emo, broken, pagkabigo, trying hard, etc. etc. Lahat po kasing ito ay nasulat ko lang dahil wala akong mapagsabihan. Sa pamamagitan ng pagsusulat ay naiibsan ang aking kalungkutang naramdaman, kaya sana po ay pagpasensy...