Comedy at drama

141 5 0
                                    

Ngiti ang pangsalubong mo sa kanila, 

Kaya ang iba'y iyong napapasaya. 

Ang mga ngiting mong ka-aya-aya, 

Sa likod nito'y sino ka bang talaga? 


Sumasaya ang lahat kapag ika'y tumatawa, 

Na parang komedyanteng nagbibigay saya. 

Pero bakit kapag nag-iisa kana, 

Kakaibang ikaw ang aming nakikita. 


Nakakapagtakang makitang malungkot ka. 

Dahil hindi kami sanay na makitang ganon ka. 

Pag nilapitan ka nama'y biglang ngingiti't tatawa, 

Na para bang walang problemang dinadala. 


Sino ka ba talaga sa likod ng iyong mga tawa? 

Isang masiyahing tao o nagpapanggap lang ba? 

At ang masiyahing tao na aming nakilala, 

Nakapaloob ang sarili sa comedy at drama.

Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon