Talunan o tanga lang?

141 4 2
                                    

Bakit bas a dinami-rami ng tao sa mundo.

Bakit sayo lang tumigil ang mga mata ko?

Nakakapagtakang ako’y nagkagusto,

sa taong gaya mong walang paki sa tulad ko.

Ngunit sinubukan kong sumugal.

Kahit alam kong hindi ito magtatagal.

Pero bakit ganito ang kinahantungan?

Lumabas lang na isa akong talunan.

Sayang lang ang mga taon na ako’y naghintay.

Kabiguan lang pala ang naghihintay sa’king buhay.

At sana hindi na lang ako nagpakatanga,

Ganito lang pala ang makukuha ko sinta.

Wala naman na akong magagawa pa.

Kundi ang maghintay kahit nag-iisa.

Dahil balang araw ay darating din,

Ang ikatlong bagay na gusto kong abutin.

Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon