Ngayong alam ko na

212 5 0
                                    

Likas na sa akin ang paggiging mahiyain.

Sa taong tunay na napakahalaga sa akin.

Gustuhin mang aminin tunay na damdamin,

ngunit ang lakas ng loob ay kulang pa rin.

Ngayong nalaman ko ng ganiyan ka pala.

Maselan at magaling magtago ng nadarama.

Kung nung una palang sana’y nalaman ko na,

sana’y hindi na lang tinangkang mahalin ka.

Bakit ba ako nagpapakatanga sayo?

Minahal nga kita higit pa dito sa buhay ko.

Ngunit ako ay nasaktan sa ginawa mo.

Pero heto’t patuloy na nagmamahal sayo.

Alam ko ngayon na may gusto ka ng iba.

Ngunit hindi mo masabi tunay mong nadarama.

Alam mo gusto ko sanang matulungan ka,

ngunit ako’y nahihiyang lumapit sinta.

Alam mo hirap na hirap na itong puso ko.

Dahil hindi mapatungan pag-ibig ko sayo.

Bakit ba ganito? Ang parating tanong ko.

Sana naman may maganap na pagbabago.

Masakit mang isiping hanggang dito na lang.

Pagiging magkaibigan, tayo’y nagkatuluyan.

Sana naman tumagal ‘tong munting samahan.

Nang ating barkadahan na walang iwanan.

Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon