Minesweeper

75 3 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit ba ganito,

Sa bawat pagpindot ko ay minamalas ako.

Na kahit anong kahon ang piliin ko, lagi na lang mali.

At sa iilang bombang nilagay ko, bakit lagi na lang sawi?


Natatalo pa rin kahit i-restart ang natalong laro.

At sa mga pagkakamali, bakit hindi ako matuto-tuto?

Siguro ay kailangan pa ng ilang mga beses para lang manalo,

Mga ilang beses pa hanggang sa tuluyan na akong sumuko.


Ang hiling ko lang naman ay manalo kahit minsan,

Ngunit batid ko ang pandaraya ay hindi kailanaman mabibilang.

Kaya hanggang sa ngayon ay wala pa rin akong panalo,

At dahil dito ay nasawa na ako sa pagbibilang ng talo.


Batid kong may mga paraan upang madaling maunawaan ang laro,

Ngunit kahit malaman ko ito ay alam kong hindi ko pa rin mababago ang takbo.

Dahil mangingibabaw ang tunay na ako,

At pagdating sa larong ito ay wala talaga akong talento.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon