Papaano ko nga ba ito sisimulan,
Ang kwento ng buhay kong walang naman laman.
At tsaka wala namang makikinig sa ikwe-kwento ko,
Kasi walang nakakaalam ng buo kong pagkatao.
Ako lang ang nakakaalam kung gaano ko katanga.
Kaya nga ba lagi na lamang nagdurusa.
Bakit ko ba isinulat pa ito?
Mukhang wala namang magbabasa kahit ipagpilitan ko.
Papalubag loob lang ang mga litanya.
Bakit kaya kailangan ko pang magdusa?
Nakakatawa hindi ba?
Ha ha ha!
Kung minsan masaya,
Pero palagi namang nag-iisa.
Parang baliw na umaasa sa iba.
May mali kaya akong ginawa?
Sa nangyayari sa ngayon,
Siguro nga.
Nag-iisang ako?
Namumukod tanging ako.
Bukod tanging masaya kapag nawala na ako.
Siguro nga katulad ng mga kwento sa libro ang kwento ko,
Yun nga lang yung natalo at napatay sa dulo.
BINABASA MO ANG
Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.
Thơ caPasensya na po kung masyadong emo, broken, pagkabigo, trying hard, etc. etc. Lahat po kasing ito ay nasulat ko lang dahil wala akong mapagsabihan. Sa pamamagitan ng pagsusulat ay naiibsan ang aking kalungkutang naramdaman, kaya sana po ay pagpasensy...