Papaano ko ba sisimulang bawasan?
Ang lalagyang punung-puno ng laman.
Mga laman na gusto kong alisin sa loob,
Natatakot kasi ako na baka ito ay sumabog.
Pero natuklasan ko na kung papaano babawasan,
Ang mga laman ng punung-punong lalagyan.
Kay dali lang pala noong gawin,
Yun nga lang kay hirap nitong sabihin.
Hanggang sa dumating na sa kasukdulan,
Umapaw na ang laman ng lalagyan.
Hindi ko na nga alam kung ano ang gagawin,
At ang luha ko'y isa-isang nahuhulog na para bang
mga bituin.
Sa patuloy na pag-apaw ng lalagyan,
Aking nararamdaman ang sobrang kabiguan.
Na para bang may sumabog sa loob ko na kung
ano.
Nakakapagtaka nga lang at walang nakarinig nito.
Sa pagtigil ng pag-apaw ako ay nagtaka,
Dahil hindi parin tumitigil sa pagluha ang aking
mga mata.
Sapagkat naalala ko ang lalagyan ay ako pala,
At ang mga kalungkutan umapaw hanggang ngayo'y dinadala ko pa.
BINABASA MO ANG
Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.
PoesíaPasensya na po kung masyadong emo, broken, pagkabigo, trying hard, etc. etc. Lahat po kasing ito ay nasulat ko lang dahil wala akong mapagsabihan. Sa pamamagitan ng pagsusulat ay naiibsan ang aking kalungkutang naramdaman, kaya sana po ay pagpasensy...