Sulok sa loob ng bilog

630 12 0
                                    

Bakit ba kung minsan ang buhay ng tao,

Hindi mo malaman kung bakit magulo.

Parati na lamang nagtatanong sayo,

Noon ba ay minahal mo rin ako?

Kaya kung ang sagot mo ay ganito,

Pasensya ka na't may mahal na ako.

Pero sana'y malaman mo na nandito lang ako.

Na handang dumamay sa paghihirap mo.

Kaya nandito ako't nag hahanap parin,

Sa loob ng bilog hindi ko mapansin.

Sulok na hindi malaman kung nasaan,

Yun pala'y nagtatago sa gilid ay kalungkutan.

Gayon man ako't ika'y naguguluhan,

Sa mga bagay na hindi natin maintindihan.

Mga tanong na pawang walang katuturan,

At tanging puso lang ang nakakaalam ng kasagutan.

Sana ngayon maunawaan mo,

Ang mga ginawa ko ay para lang sayo.

Dinadalangin na sana'y malaman mo,

Kahit ang buhay ko iyaalay lang para sayo.

Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon